Paolo Bediones on why he is celibate at the moment: "Alam mo, hindi 'tulad noon, nung medyo mas bata ka pa at hindi ganito kasikip yung schedule mo, maisisingit mo talaga, e. Yung ngayon ang dami mong kailangang i-consider, e. Ang hirap pumunta ng trabaho na pagod ka."

Photo: Noel Orsal

Kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang lovelife ni Paolo Bediones nang nakausap namin siya recently.

Sabi niya, "Wala, kasi wala kang time.

"May mga times na nakakalabas ka ng date.

"May time na puwede kang lumabas on a date, pero kailangang understanding yung babae.

"Kasi isipin mo naman, di ba malilibre ka ng 1 a.m., 'tapos 4 a.m., susunduin ka ng service [vehicle ng TV5].

"So, siyempre ano, hanggang coffee lang."

Mabibitin ang pagkikita?

"Well, puwedeng mabibitin.

"And at the same time, it's so hard to get to know someone, e, di ba?

"'Pag ganun kaigsi yung panahon, hindi kayo puwedeng magkuwentuhan."

Sa araw ay wala rin siyang panahon kahit isa o dalawang oras?

"Siyempre yung mga dine-date mo, may trabaho rin naman sila, di ba? Ikaw lang naman yung bampira!" biro ng veteran TV host.

So, wala rin siyang sex life?

Tumawa muna si Paolo bago sinabing, "Sa pagod mo, pag-isipan mo pa 'yan?"

Pero tao lang siya.