Arjo Atayde on acting and hosting: "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista. Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag-arte, kaya gusto ko munang tumutok dito. And later on siguro, 'pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko."

Photo: Noel Orsal

Baguhan sa industriya si Arjo Atayde, ang anak ng batikang aktres na si Sylvia Sanchez, at maraming direksyon sa showbiz ang nais niyang patunguhan 'tulad ng pag-arte at paghu-host.

Kuwento ni Arjo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanilang TJ's Restaurant Bar sa Quezon City, inspirasyon niya ang kanyang Mamita [Sylvia Sanchez] para maging mahusay na host.

"Oo, isa yun sa dream ko, yung maging host ako, kasi sa pamilya namin ako yung mabilis magsalita, so pag may sinabi ako sa Mamita ko, mabilis.

"Para daw game master, para daw akong nagho-host ng isang game show. Ha ha ha!

"Kaya sinasabi niya sa akin na 'talk slowly at clearly,' kaya yun ang natutunan ko sa kakagaganun nila sa akin."

So parang na-challenge ka?

 "Hindi naman. It's more on talking clearly, kaya every time na nagsasalita ako, mabagal, para maintindihan ako ng kausap ko at hindi yung parang nagho-host ako ng isang game show.

ON HOSTING. "Pero as of now, wala talaga akong alam sa tamang pagho-host, nanonood lang ako ng mga game show sa TV, pero willing naman akong matuto simula sa basic na paraan ng pagho-host.

"Sana mabigyan ako ng chance na makapag-host to complete my dream, hindi naman ako nagmamadali pero sana ma-try ko din."

Pero may ina-idolize ka bang host na gusto mong sundan ang yapak?

"Para sa akin kasi medyo kenkoy si Lucky [Luis Manzano], parang ganun.

So, kenkoy ka ring mag-host?

"To my friends siguro, pero hindi naman sa lahat ng tao, sa mga kinalakihan kong tao like my family, relatives and my friends, dun ako nagloloko-lokohan.

"Pero sa iba at siguro dito sa showbiz hindi puwede, baka tawagin nila akong bastos, gusto ko yung kenkoy na nakakaaliw na katulad ni Lucky.