Arjo Atayde on acting and hosting: "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista. Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag-arte, kaya gusto ko munang tumutok dito. And later on siguro, 'pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko."

Photo: Noel Orsal

"Nagagalingan kasi ako sa kanyang mag-host—masaya at mae-engganyo kang panoorin siya."

Gusto mo ba maging host ng isang variety, game show o talk show?

"Kahi't ano po e!

"Kahi't anong ibigay nila sa akin okey lang, pero sabi ng mga friends ko mas okey daw ako sa game show kasi medyo kenkoy ako mag-host.

"Pero kahi't ano sigurong ibigay nila sa akin, para ma-try ko lahat."

Gusto mo bang pagsabayin ang acting at hosting?

"For now, siguro sa acting muna kasi kapapasok ko pa lang dito sa E-Boy.

HONING HIS CRAFT. "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista.

"Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag arte, kaya gusto ko munang tumutok dito, and later on siguro, pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko.

"Sa akin kasi gusto ko munang mag-sink-in lahat ng tinuturo sa akin sa tamang pag-arte.

"Kasi feeling ko, kapag nag-acting ako at sinabay ko ang hosting baka hindi ko ma-handle nang tama kung sabay, kaya naman gusto ko one at a time."

Ano bang preparation mo bago ka sinalang sa showbiz?

"Preparation? Nag-workshop ako ng acting bago mag-start yung E-Boy.

"'Tapos sinasabihan ako ni mommy [Sylvia Sanchez] ng mga tips about acting.

"Naaalala ko nga nung first taping day ko ng E-Boy, sobrang nanginginig ako, sobrang kaba yung naramdaman ko.