Arjo Atayde on acting and hosting: "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista. Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag-arte, kaya gusto ko munang tumutok dito. And later on siguro, 'pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko."

Photo: Noel Orsal

ACTING IDOL. Sa unang pagsubok ni Arjo sa pag-arte, gusto rin niya munang makilala bilang mahusay na artista na kahanay ng kanyang iniidolong si John Lloyd Cruz.

"Kaya nga ngayon susubukan kong panoorin yung Maging Sino Ka Man nila John Lloyd Cruz kasi siya yung idol ko sa mga artistang lalaki.

"Gusto ko kasi makuha yung style ni John Lloyd ng pag-arte—ang galing-galing kasi niya."

Nagkita na ba kayo ni John Lloyd?

"Oo, na-star-struck ako sa kanya.

"Nag-taping kasi sila tapos sabi ni Mommy kay John Lloyd, 'Hoy Lloydie, alam mo bang idol ka ng anak ko?'

"Kaya alam niya na idol ko siya, kasi siya lang naman talaga ang idol ko."

Kasama mo ba sa first taping yung mommy mo?

"Hindi, ako lang.

"Kaya nga nung nahihirapan ako, sinabi ko sa kanya na, 'Ma, nahihirapan ako,' 'tapos sabi niya 'Gusto mo ba na pumunta ako dyan para tulungan kita?' Na sinabi ko naman ng 'No! Hindi na, kaya ko na 'to!'

"Kasi mas mapi-pressure lang ako kapag nandun siya.

"Mas okey na wala siya, para magawa ko yung gusto kong gawin pagdating sa pag-arte.

"Kasi iisipin ko magaling ang mommy ko, nanonood siya, kailangan galingan ko... mas nakaka-pressure."

Naikuwento mo rin ba sa daddy mo yung experience mo nung first taping day mo?

"Nakukuwento din po, pero mas close kasi ako kay mommy kaya sa kanya ko nakukuwento.