Arjo Atayde on acting and hosting: "Gusto ko kasi munang hasain yung craft ko sa pag-arte kasi medyo baguhan pa ako at kinakabahan, pero kinakaya ko kasi gusto ko talagang mag-artista. Alam ko kasi na marami pa akong dapat matutunan sa tamang pag-arte, kaya gusto ko munang tumutok dito. And later on siguro, 'pag magaling na magaling na ako, yung hosting naman ang tututukan ko."

Photo: Noel Orsal

"Kasi nasa showbiz si mommy kaya alam niya yung trabahong pinasok ko.

"Si mommy yung nagsasabi sa akin na 'Kaya mo yan. Konting tiyaga, focus! Mahalin mo yung trabaho mo at be nice to everybody kahit ano man ang posisyon niya sa industriya. Ang mahalaga may respeto ka sa kahi't sinong makakatrabaho at makakasalamuha mo.'"

"Sabi pa ni mommy, 'Pag minahal mo yung trabaho mo, mamahalin ka ng trabaho mo,'"  pagtatapos ni Arjo.