"No, he is my ninong in baptism. I was baptized here, so naging Catholic ako dito," says Daiana Menezes when asked if it's true she's dating Ilocos Sur Governor Chavit Singson because she's frequently seen in Ilocos.

Photo: Courtesy of Daiana Menezes

Nakakahinga na nang maluwag ngayon ang Brazilian model-actress pero pusong Pinoy na si Daiana Menezes dahil natapos na ang problema niya sa P2-million tax evasion case na isinampa sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Ito nga ang ibinalita ni Daiana sa guest appearance niya sa Showbiz Exclusives ng GMA News TV Channel 11 kahapon, Pebrero 23.

"Clear na ang lahat. I paid everything.

"It took them a while to recompute everything.

"But this year, I paid na," sabi ni Daiana sa panayam sa kanya nina Nelson Canlas at Isabel Oli.

Kung tutuusin, hindi naman daw niya ito kasalanan dahil akala niya ay inaasikaso ito ng dati niyang manager.

Nagulat na lang siya nang makatanggap ng sulat mula sa BIR at dito na nga niya nalaman na malaki pala ang tax na hindi pa niya nababayaran.

Kaysa lumala pa ang problema, nakipag-settle na lang siya sa BIR at binayaran ang kulang niyang tax.

NOT DATING CHAVIT. Isa pang isyung binigyang-linaw ni Daiana ay ang balitang nagde-date diumano sila ni Ilocos Sur Governor Chavit Singson.

Paglilinaw ni Daiana, "No, he is my ninong in baptism. I was baptized in the Philippines, so naging Catholic ako dito."

Diumano'y madalas siyang makita sa Ilocos kaya nabibigyan ng kulay ng iba. Ano ang masasabi niya rito?

"Yeah, I'm always there. I'm always in Ilocos.

"Sometimes bini-visit ko sila. Parang sila ang family ko dito," sabi niya.

STILL NOT IN TALKING TERMS WITH GB. Kinumusta nina Nelson at Isabel ang puso ng Brazilian beauty. Matatandaang galing ito sa breakup mula sa relasyon nito sa direktor na si GB Sampedro.