"Siguro people were expecting na 'pag cut na yung eksena, ganun pa rin kami kadikit sa isa't isa. Siyempre, kailangan din naming aralin kung anuman yung binigay sa amin na trabaho. And yun naman talaga ang pinunta namin dun. Hindi naman porke't sinabi naming, 'Yeah, we're close,' pero baka akala nila palaging magkatabi, palaging nag-uusap," says Enchong Dee when asked why Erich Gonzales and him are not "sweet" off-cam.

Photo: Noel Orsal

Nilinaw ni PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Enchong Dee ang balitang para lang daw sa tambalan nila at sa show nilang Maria La Del Barrio ang nakikitang sweetness nila ni Erich Gonzales.

Ayon sa reports, para raw hindi magkakilala sina Enchong at Erich in between takes sa nasabing serye ng ABS-CBN.

Pero kapag nagsimula na raw mag-roll ang camera ay mahusay namang na nagagampanan ng dalawa ang mga eksena nila.

Ayon kay Enchong, wala silang problema ni Erich taliwas sa mga lumalabas na balita.

"Siguro people were expecting na 'pag cut na yung eksena, ganun pa rin kami kadikit sa isa't isa.

"Siyempre, kailangan din naming aralin kung anuman yung ibinigay sa amin na trabaho.

"And yun naman talaga ang pinunta namin dun. 

"Hindi naman porke't sinabi naming, 'Yeah, we're close,' pero baka akala nila palaging magkatabi, palaging nag-uusap. 


"Siguro yun yung old meaning nun, pero kami we understand each other.

"Sabi ko nga, siguro the things that make our relationship even more colorful or sweeter is because kung anuman 'yang mga hindi namin mga pagkakaunawaan, naayos naming dalawa. 

"That's our advantage. Kumbaga, edge namin kung bakit nagla-last yung loveteam namin," mahabang saad ng young actor.

BIG THANK YOU! Malapit nang magtapos ang Maria La del Barrio at labis ang pasasalamat ni Enchong sa mainit na suporta ng publiko sa pinagbibidahan nilang serye ni Erich.

Unang pagkakataon kasing sumabak si Enchong sa isang mature role sa nasabing serye.

Aniya, "Last two weeks na lang, pero hanggang ngayon ang tataas pa rin ng mga eksena.