Erich Gonzales on real score between her and Enchong Dee: "To begin with, we were never really close—like yung sobrang on the set na chika-chika, kasi nandun naman kami para magtrabaho. I'm not saying na hindi kami nag-uusap or kung anuman, pero di ba 'pag trabaho, trabaho talaga? Saka as long as nakaka-deliver kami kung ano ang hinihingi sa amin sa eksena ng director, okay naman yun, okay yung relationship namin."

Photo: Noel Orsal

Open at honest sina Erich Gonzales at Enchong Dee sa pagsasabing walang espesyal na namamagitan sa kanila bukod sa pagiging magka-loveteam at magkaibigan—at tanggap naman ito ng publiko.

Pero balitang close at sweet lang daw ang dalawa sa harap ng kamera pero kapag natapos na ang mga eksena nila ay hindi na sila nagpapansinan na parang hindi magkakilala.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News si Erich noong Lunes, February 20, sa "meet and greet" nila ni Enchong para sa ilang masugid na tagasubaybay ng Maria La Del Barrio, sa 13th floor ng ELJ Bldg. ng ABS-CBN.

Tinanong namin si Erich tungkol sa lumalabas na balita sa kanila ni Enchong.

Aniya, "To begin with, we were never really close—like yung sobrang on the set na chika-chika, kasi nandun naman kami para magtrabaho. 

"I'm not saying na hindi kami nag-uusap or kung anuman, pero di ba 'pag trabaho, trabaho talaga?

"Napakaimportante na during breaktime kuwentuhan, pero 'pag trabaho, trabaho talaga.

"Saka as long as nakaka-deliver kami kung ano ang hinihingi sa amin sa eksena ng director, okay naman yun, okay yung relationship namin."

Dati ay sinasabi ni Erich na malapit silang magkaibigan ni Enchong. Isa pa nga raw si Erich sa unang napagsabihan ni Enchong tungkol sa pagkakaroon daw ng crush ng binata kay Julia Montes.

Masasabi ba ni Erich na mas lumalim ang friendship nila ni Enchong dahil sa halos araw-araw na pagsasama nila sa Maria La Del Barrio?

Pero hindi direktang sinagot ni Erich ang aming tanong.

Sabi niya, "Basta sobrang thankful kami dahil sa partnership namin sa ilang teleserye na kaming magkasama. 

"May mga tao kaming napapasaya at nai-inspire namin sila. 

"This is very important for us kasi that's why we're here, dahil sa kanila kaya kami nandito."

MARIA LA DEL BARRIO. Samantala, sa nalalapit na pagtatapos ng Maria La Del Barrio ay sinabi ni Erich na maraming dapat abangan dito.