Marvin Agustin on their movie The Road going international: "But this one's different kasi ipapalabas siya sa major chains, major cinema. Mainstream siya. Just like you know, just like other foreign films na pinapalabas dun. Mga movies from China, movies from Thailand. So at least naka-breakthrough na ang Pilipinas through GMA Films, through this movie The Road. Yung ganito kalaki na screening na ganitong kalaking commercial screening, first ito kaya nakakatuwa. Nakaka-proud."

 

Photo: Noel Orsal

Panay ang biro ni Marvin Agustin nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagpunta niya sa Amerika para sa pagpapalabas ng pelikula nilang The Road na idinirehe ni Yam Laranas.

"Sabi ko nga, ipapadala ko mga managers ko dun para ma-check ang accommodations ko dun.

"At English-speaking na ako ngayon!" tawa nang tawang sinabi ni Marvin.

Pero masaya raw talaga si Marvin dahil ipalalabas sa North America ang kanilang pelikula.

"Masaya kasi first time... although yung mga movies namin napalabas na dun sa... yung mga past movies ko, napalabas din sa States, pero yung sa Filipino community.

"But this one's different kasi ipapalabas siya sa major chains, major cinema. Mainstream siya.

"Just like you know, just like other foreign films na pinapalabas dun.

"Mga movies from China, movies from Thailand.

"So at least, naka-breakthrough na ang Pilipinas through GMA Films, through this movie, The Road.

"Yung ganito kalaki na screening na ganitong kalaking commercial screening, first ito kaya nakakatuwa. Nakaka-proud.

"Very excited and we're planning nga sana, kung May 11 yung regular screening, we are hoping na magkaroon ng premiere night.

"Para lang rume-red carpet kami doon, naka-limo!" sabay tawa muli ni Marvin.

"So ayun, we're very, very proud to be shown nga abroad."

FOR ANOTHER REASON? Ayon pa kay Marvin, bukod sa showing ng The Road sa U.S., pupunta naman siya talaga doon for a different reason.

"Nasa States din ako nun, e. May, e. I think second week.