"Affected ako because she can say whatever she wants, pero to bring in the issue about me dating the President, why she have to mention that? It has nothing to do of what happened. That is so childish naman," says Grace Lee about the allegations made by former co-anchor Angelicopter.

Photo: Noel Orsal

Isa si Grace Lee sa dumalo sa launching ng SM Accessories na ginanap sa lobby lounge ng Dusit Hotel sa Makati City kagabi, February 27.

Napilitan ang Korean radio-TV personality na sagutin ang isyu nila ni Angelicopter, kung saan siya ang itinuturong dahilan ng pagkatanggal nito bilang co-anchor sa radio program nila sa Magic 89.9 na Good Times.

(CLICK HERE to read related story.)

Sabi ni Grace, "I was really disappointed. I was saddened by the fact na kaibigan kami at one point.

"Yes, we had falling out, I admit.

"Kung ano naman ang naging reason ng falling out namin, it's a private business.

"And she knows better than anyone else na tinanggal siya sa trabaho hindi dahil sa away namin.

"Very clear yun dahil ilang beses na kinol yung attention niya dahil sa off-air and on-air problems. And this was clarified by the station.

"I'm also an employee of the station.

"Saan naman kayo makakita ng isang kumpanya na pina-fire ang isang employee over another employee?"

Nagtataka rin si Grace kung bakit ngayon lang daw lumabas ang isyung ito sa pagitan nila ni Angelicopter.

"And this happened before Christmas of last year.

"So, bakit ngayon lang siya lumalabas to tell the story, well in fact this happened two weeks before Christmas of last year?"

WALKOUT. Sinagot din ni Grace ang sinabi ni Angelicopter na nag-walk out ang Kapuso host nang makita siya uli ng former Survivor Philippines castaway sa radio booth pagkatapos nilang mag-away.

Ayon kay Grace, "Taken aback ako dahil I knew that the management had decided to terminate her contract with the station.