"Affected ako because she can say whatever she wants, pero to bring in the issue about me dating the President, why she have to mention that? It has nothing to do of what happened. That is so childish naman," says Grace Lee about the allegations made by former co-anchor Angelicopter.

Photo: Noel Orsal

"Tanungin n'yo ho kahit mga cameraman, even the helps on stage, even the security guard, none of them would tell you that I treated them less than I would treat a friend or the way I should treat a co-worker.

"Hindi po ako ganung tao," diin niya.

GOOD TIMES. Aminado si Grace na apektado siya sa mga ganitong intriga, pero hindi niya itinatanggi na marami namang magagandang bagay ang dumating sa kanya magmula nang ma-link siya kay PNoy.

"Honestly, I'm not enjoying this.

"Alam n'yo minsan, I wanna dig a hole and hide, parang ganun ang pakiramdam ko.

"Dahil hindi po ako sanay sa ganitong atensiyon, lalo na 'pag nababasa ko sa mga newspapers or online articles na hindi naman totoo, na very hurtful, lalo na 'pag nadadamay dito ang mga taong mahal ko, di ba?

"I'm not exactly enjoying this, although I take it as a blessing naman, di ba?

"Lahat naman ito, a part of it is a blessing.

"Alam n'yo naman na madaming dumarating na endorsement. Hindi ko naman ito dini-deny na talagang dumami yung request for endorsement and projects, and it was such a blessing.

"But at the same time, at what cost? Yun yun, e.

"Iniisip ko ngayon na I hope all of these is worth it."

DATING. Pero consistent pa rin si Grace sa mga sagot niyang "dating" pa lang daw sila ng Presidente at mabuting tanungin na lang daw ito kung saang level na talaga ang kanilang relasyon.

"Well, of course, nadaanan na namin siguro yung getting to know each other.

"We're dating now.

"But we can't fix this too fast, kasi busy siya sa trabaho niya.