"You know, I did that letter. Back then, we had some flirting going on. No malice, walang intention," says yoga instructor Al Galang (main photo) about the letter (inset) he wrote for Dra. Vicki Belo.

Photo: File photo / Noel Orsal

Nagpaunlak ng live interview ang yoga instructor na si Al Galang sa The Buzz noong Linggo, February 26.

Naging prominente ang pangalan ni Al nitong mga nakaraang araw dahil sa pagkakadawit niya sa breakup nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

(CLICK HERE to read related story.)

Si Toni Gonzaga ang nag-interview kay Al, na katulad ni Dra. Belo ay yoga instructor din ng TV host-actress. 

Ang unang tanong ni Toni kay Al ay kung ano ang pakiramdam nito sa pagkakadawit ng pangalan niya sa breakup nina Dra. Belo at Hayden.

"Same. With all this noise about it, nothing, really. Nothing changed at all," nakangiting sagot ng yoga instructor.

Ayon kay Toni, "one of the weirdest  interviews" niya si Al dahil yoga instructor nga niya ito; gayundin ng kapatid niyang si Alex Gonzaga at iba pang mga artista.

Pero bago maging yoga instructor, naging commercial model at sumali rin si Al sa isang contest.

Kuwento niya, "I did one, isa lang. When I came to the Philippines, I joined Mossimo Bikini Summit. 

"And it's fun. I guess everybody should try kahit isang pageant.

"Kahit talo ka talaga, kahit hindi bagay do'n, try mo kasi iba ang experience."

Bago siya naging yoga instructor, ano talaga ang career na gusto niyang i-pursue?            

"As soon as I got to the Philippines, yoga ang reason ko talaga.

"Pumunta ko sa Pilipinas, December, after of 2006. 

"And yung plano ko dati, yoga. I-spread ang yoga sa Pilipinas.