news

(UPDATED) Soul Siren Nina disappointed with promo of latest album

by Melba R. Llanera posted on February 29, 2012  STATS: 54638 Views | 68 Comments

 

Nina on the lack of promotion of her new album: "Okay naman yung album ko, yung mga songs ko kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV. I just heard na No. 6 sa Chart Central so malaking bagay para sa amin yun. Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko. Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba... Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons. Yung video, hindi man lang pinapalabas."

Photo By: Noel Orsal

Pinagtatakhan ng mga tagahanga ng Soul Siren na si Nina kung bakit hindi siya masyadong visible sa TV ngayon. Tila hindi rin daw nararamdaman na mayroon pala siyang ginawang album under Universal Records, ang Stay Alive

Ayon sa ilan, mukhang kulang daw sa promo at hindi na-push ang album ni Nina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nina noong Biyernes, February 24, sa kanyang mini-concert sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Dito ay masaya niyang ibinalita na kahit aniya'y kulang sa promo ang kanyang album, patuloy naman itong humahataw sa record bars at sa radio stations.

"Okay naman yung album ko, yung mga songs ko, kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV.

"I just heard na No. 6 sa Chart Central, so malaking bagay para sa amin yun.

"Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko," saad niya.

LACK OF PROMOTION. Tinanong namin si Nina kung ano sa palagay niya ang problema at hindi napu-push nang husto ang album niya.

Aniya, "Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba...

"Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons.

"Yung video, hindi man lang pinapalabas.

"Sobrang nakakatuwa lang kasi kahit kulang sa promotion yung album, e, nagta-top pa rin sa chart and stay alive pa rin siya!" pagbibiro niya.

Hindi naman itinago ng Soul Siren Siren na may sama siya ng loob sa Universal Records dahil sa nangyari.

Kaya tinanong namin siya kung may panghihinayang ba siya na lumipat siya mula Warner Philippines papuntang Universal Records.

"Siyempre nakaka-sad kasi galing sa isang recording company na sobrang nagpu-push ng album...

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

68 Comments

  • 68  bigbother

    03/01/2012 | 06:10 PM
    tinatakwil na ng mga kapampam. hahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 67  krizalex24

    03/01/2012 | 05:42 PM
    And once and for all, SHE'S not LAOS. HAHA! Why did she have that "Diamond Award". Dun palang, isipin niyo muna mga sasabihin niyo.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 66  krizalex24

    03/01/2012 | 05:39 PM
    Wow guys ha? Makapag-judge kayo, as if naman that you know Nina that well. Wala naman ginagawa sa inyo ang tao, pero sobrang tatalas ng dila niyo. Kayong mga haters ang nakakaawa dahil sa mga sinasabi niyong kung anu ano. Sobra kayo. Saka Pwede ba, stop judging a person starting from her looks. At least si Nina, MAY TALENT. or should I say, PURE TALENT. Ang dami nga dyan, puro pa-cute Lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 65  jpppc

    03/01/2012 | 12:30 PM
    i don't think it was a bad move. prior to the launching in PP, she first launched the album in HYY which is a show in ABS. It doesn't mean na laos ang isang singer if she is rarely seen on tv. kung laos xa, eh di sana hindi bumenta ang album at hindi nagchart yung mga singles nya. pero ganun pa din naman, nasa top ang stay alive album niya sa mga record bars, nasa top 2 ang however much love sa chart at pinakamatagal na nagstay sa chart ang Dance and sold out yung concerts. so sikat pa din!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 64  ka_epal

    03/01/2012 | 11:39 AM
    paano naman kse nag promote sa PERYA PILPINAS. ayan, LAOS ka kaagad. bad move nina.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 63  jpppc

    03/01/2012 | 11:08 AM
    ang ibang mga tao kasi dito, comment agad para makapanira e wla naman kasalanan yung tao sa inyo. magkakapera ba kayo kung sisiraan nyo si NIna? hindi di ba? kung ayaw nyo sa kanya at ayaw nyo ang music niya, well you have so many choices out there. help your favorite singers na bumenta album nila. kasi si nina, she has the talent and good character kaya marami pa rin kaming humahanga at patuloy na susuporta sa kanya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 62  jpppc

    03/01/2012 | 11:03 AM
    I am a big fan of Nina so when I went to Odyssey and SM record bars the week after the release of the new album para bumili agad and they said naubos daw agad. So this only shows that despite her absence on TV, marami pa ring tumatangkilik sa kanya. And I must say si Nina ang isa sa may pinakamaraming tagahanga sa sessionistas. Napanood ko yung concerts ng sessionsistas ng live at yung recorded and only NIna, Richard and Aiza were applauded by the audience.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 61  jpppc

    03/01/2012 | 10:58 AM
    I praise her singing prowess and I like her songs. Dito masusubukan ang galing ng isang singer kahit na walang promotion kaya pa rin bumenta ng album. Well, her 2 singles are included in the chart central kahit hindi na-promote. However Much Love peaked at number 2 and Dance remained in the chart for 26 weeks which is ang pinakamatagal na nagstay sa chart ngayon. Yun ba ang laos? and her concertS last february were sold out. Laos pa din ba tawag dun?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 60  boomboom

    03/01/2012 | 10:30 AM
    okay sige nina lumipat ka sa tv5 ng matulog ang career mo. at isa pa ano na nga pala ang nangyari don sa binalita dati ni cristy fermin sa juciy and paparazzi na by february eh lilipat na si derek ramsay at sam milby sa tv5? as in sinabi pa nya na month of february ha. nasan ang credebilidad ni cristy kasi dati naniniwala ako sa sinasabi nya na totoo pero dito parang nagkamali ata sya ng sinabi eh. mabuti sana kung blind item kaso inassure na as in segurado sya pero eto at tapos na ang feb wala naman. kaya cristy hinay hinay muna ang pagsabi make sure na lutong luto na bago mo ibalita.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 59  kalahatingtao

    03/01/2012 | 10:26 AM
    naghiwalay cla ni nyoy...she cried she was robbed...umalis PA nya ...she cried my modus operandi daw...d na kumita album nya..she cried kulang sa promo ng management...shes out in ASAP...she cried i dont rely in tv appesranc... ano napala nya? infairness i really like listening to her songs as long as i dont see her singing it...i really dont know y...sorry
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 58  grazildachuvastra

    03/01/2012 | 10:05 AM
    ANOTHER KAPAMILYA...tinatakwil na!!! next
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 57  fluffysasha

    03/01/2012 | 09:38 AM
    mas magaling naman siya kesa kay sarah vocally, i love her nina live album, pa sira na ang voice ni sarah wala bang nakakapansin, kaya madami na syang fast songs idaan na lang sa performance, sabihin na natin di sya super sikat sa mga tweens, pero yung mga 25 and above kilala sya
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 56  MiaSarah

    03/01/2012 | 09:32 AM
    Nina, kung di ka makikita sa tv eh makakalimutan ka ng tao at wala ng makakakilala sau at pag nangyari un sa tingin mo merong pang kukuha sau pra dyan sa mga live or corporate shows na sinasabi mo? Ang sabihin mo feeling DIVA ka kasi with an attitude problem.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 55  susanboyle

    03/01/2012 | 09:20 AM
    iba talaga pag ang isang tao ay humble nina.mag salita ka para kang big shot or somebody. hindi ka sikat no. so go ahead transfer to tv5 baka sumikat ka. kawalan kaba sa abs? i dont think so...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 54  gorgeous_aleck

    03/01/2012 | 09:05 AM
    may world-class bang lip sync? bibilib ako sa asap kung live ang performances nila.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 53  aaronick

    03/01/2012 | 08:47 AM
    Bakit pag post ko, file not found lumalabas? Anong kalokohan ito?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 52  edric

    03/01/2012 | 07:39 AM
    Star Magi c na ata si nyoy Violante at bka magtagpo ang landas nila ni Nyoy hehehe
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 51  lanieguillen

    03/01/2012 | 07:14 AM
    well, noong nandyan pa si Nina sa ASAP, palagi siyang may awards. maganda pa rin pag may exposure lalo na pag ABS dahil worldwide. She has to accept her regret dahil sayang ang mga pinaghirapan niya, at hindi pa kumita..tsk.tsk..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 50  SimonLaplace1

    03/01/2012 | 07:06 AM
    Tama naman sagot ni Nina. Anong problema? Eh kung yun ang totoo na hinde sya nag re rely sa TV dahil live ang environment nya, anong issue? Bonus nga daw ang TV, she is only telling the truth! Sya na mismo inamin nya by herself na hinde sya sikat sa TV at hinde sya sumikat sa TV...hwag naman masyadong literal ang iba dyan. Anong kasalanan ni Nina senyo? Am not a fan of this singer and I don't like her actually, even her songs...pero hwag nyo namang personalin ang tao na parang tapunan ng lahat ng sama ng loob. Be objective naman. Hinde naman eskandalosa si Nina at wala namang inapakan na tao.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 49  milomilo123

    03/01/2012 | 04:22 AM
    another no class performer
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About