Nina on the lack of promotion of her new album: "Okay naman yung album ko, yung mga songs ko kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV. I just heard na No. 6 sa Chart Central so malaking bagay para sa amin yun. Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko. Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba... Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons. Yung video, hindi man lang pinapalabas."

Photo: Noel Orsal

Pinagtatakhan ng mga tagahanga ng Soul Siren na si Nina kung bakit hindi siya masyadong visible sa TV ngayon. Tila hindi rin daw nararamdaman na mayroon pala siyang ginawang album under Universal Records, ang Stay Alive

Ayon sa ilan, mukhang kulang daw sa promo at hindi na-push ang album ni Nina.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nina noong Biyernes, February 24, sa kanyang mini-concert sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Dito ay masaya niyang ibinalita na kahit aniya'y kulang sa promo ang kanyang album, patuloy naman itong humahataw sa record bars at sa radio stations.

"Okay naman yung album ko, yung mga songs ko, kahit hindi masyadong napo-promote, hindi masyadong visible sa TV.

"I just heard na No. 6 sa Chart Central, so malaking bagay para sa amin yun.

"Kahit walang masyadong push, kahit na ganun, e, tinatangkilik pa rin ng tao ang mga songs ko," saad niya.

LACK OF PROMOTION. Tinanong namin si Nina kung ano sa palagay niya ang problema at hindi napu-push nang husto ang album niya.

Aniya, "Dapat talaga i-promote siya, ewan ko ba...

"Walang budget mag-promote, mga ganyang reasons.

"Yung video, hindi man lang pinapalabas.

"Sobrang nakakatuwa lang kasi kahit kulang sa promotion yung album, e, nagta-top pa rin sa chart and stay alive pa rin siya!" pagbibiro niya.

Hindi naman itinago ng Soul Siren Siren na may sama siya ng loob sa Universal Records dahil sa nangyari.

Kaya tinanong namin siya kung may panghihinayang ba siya na lumipat siya mula Warner Philippines papuntang Universal Records.