Kris Bernal on why she can't go sexy and daring: "Hindi rin bagay sa akin! Alam naman nila yun na maliit ako at maliit ang katawan ko."

Photo: William R. Reyes

Masaya ngayon si Kris Bernal sa bago niyang pinagbibidahang soap opera sa GMA-7, ang Hiram Na Puso.

"Maganda ang concept. Iba naman siya sa mga ginawa ko... madalas, nagpu-focus sa love story.  

"Ito, family drama naman,"  sabi ni Kris sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng nasabing drama series.   

Dagdag pa ng 22-year-old actress, "Excited... sobrang excited po ako! Sana magawa ko nang maayos."

At tuluy-tuloy ring nagkuwento si Kris tungkol sa iba pang detalye ng kanyang afternoon serye.

"Sa March 5 po ang pilot telecast.

"Dito, ako po yung anak ni Ms. Gina Alajar. May sakit sa puso.  

"So, may taning na yung buhay ko, kailangan ko ng heart transplant.

"Ibibigay sa akin yung puso through heart transplant.

"Namatay po kasi yung anak nina Tito Gardo [Versoza] at Tita Ayen [Munji-Laurel]," kung saan magmumula ang pusong ililipat sa kanya sa kuwento.

So, mapapamahal din si Kris sa mag-asawa?

"Opo. Yung kilos ng pinaghiraman ko ng puso, yung taong minamahal niya, mahal ko rin.

"Siguro po, psychological..."

MARK AND ALJUR. Gumaganap bilang boyfriend ni Kris sa bagong drama series ang young actor na si Mark Herras.