Dennis Trillo refuses to give meaning to his closeness to Bianca King. However, he admits, "Habang tumatagal, mas lumalalim ang samahan namin."

Photo: Noel Orsal


Ikinatutuwa ni Dennis Trillo ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa bagong teleseryeng kinabibilangan niya, ang Biritera.

Kung pagbabasehan ang TV rating ng AGB Nielsen simula nang mag-pilot ang Biritera dalawang linggo na ang nakalilipas, masasabing naging maganda ang takbo ng ratings ng programa.

Ayon kay Dennis, hindi nila inaasahan na magiging ganito ang pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang programa.

"Natutuwa kami na maganda ang performance niya, tinatanggap siya ng mga manonood," sabi ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, Pebrero 28, sa loob ng GMA Network Center sa Quezon City.

Isa sa mga nakikitang dahilan ni Dennis kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng ratings ng Biritera ay ang tema nito, kung saan mga bata ang tumatayong bida.

Dagdag pa ng aktor, "Dahil na rin siguro magaan siyang panoorin.

"Alam mo 'yon, hindi na siya mabigat na makakadagdag pa sa problemang iniisip ng mga manonood."

Para naman kay Dennis, itinuturing din niyang magaan ang ginagampanan niyang karakter sa Biritera.

"Kumpara sa mga nagawa ko dati, isa ito sa mga pinakamagaan, walang pressure in terms of mga obligation mo sa pag-arte.

"Kasi dito, bihira ang eksena na nagbe-breakdown ka, umiiyak, sobrang galit.

"Kasi, siguro nakatulong din na kaeksena ko palagi 'yong bata.

"Hindi siya talaga naka-focus mainly sa love interest lang.

"Nandito 'yong interaction ko sa banda, nandito ang interaction ko kina Gwen [Zamora] at saka interaction ko rin sa mga bata at doon sa manager ko.

"Marami siyang ginagawa. Hindi lang siya naka-based sa isang conflict lang," saad niya.

INSPIRATION. Bukod sa magandang resulta sa ratings ng Biritera, isa pa sa mga nakakapag-motivate kay Dennis na paghusayan ang kanyang trabaho ay ang mga inspirasyon niya sa buhay.