news

Dennis Trillo on rumored girlfriend Bianca King: "Sobrang close kami and at ease sa company ng isa't isa."

by Nerisa Almo posted on February 28, 2012  STATS: 9872 Views | 25 Comments

 

Dennis Trillo refuses to give meaning to his closeness to Bianca King. However, he admits, "Habang tumatagal, mas lumalalim ang samahan namin."

Photo By: Noel Orsal


Ikinatutuwa ni Dennis Trillo ang mainit na pagtanggap ng mga manonood sa bagong teleseryeng kinabibilangan niya, ang Biritera.

Kung pagbabasehan ang TV rating ng AGB Nielsen simula nang mag-pilot ang Biritera dalawang linggo na ang nakalilipas, masasabing naging maganda ang takbo ng ratings ng programa.

Ayon kay Dennis, hindi nila inaasahan na magiging ganito ang pagtangkilik ng mga manonood sa kanilang programa.

"Natutuwa kami na maganda ang performance niya, tinatanggap siya ng mga manonood," sabi ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, Pebrero 28, sa loob ng GMA Network Center sa Quezon City.

Isa sa mga nakikitang dahilan ni Dennis kung bakit naging maganda ang kinalabasan ng ratings ng Biritera ay ang tema nito, kung saan mga bata ang tumatayong bida.

Dagdag pa ng aktor, "Dahil na rin siguro magaan siyang panoorin.

"Alam mo 'yon, hindi na siya mabigat na makakadagdag pa sa problemang iniisip ng mga manonood."

Para naman kay Dennis, itinuturing din niyang magaan ang ginagampanan niyang karakter sa Biritera.

"Kumpara sa mga nagawa ko dati, isa ito sa mga pinakamagaan, walang pressure in terms of mga obligation mo sa pag-arte.

"Kasi dito, bihira ang eksena na nagbe-breakdown ka, umiiyak, sobrang galit.

"Kasi, siguro nakatulong din na kaeksena ko palagi 'yong bata.

"Hindi siya talaga naka-focus mainly sa love interest lang.

"Nandito 'yong interaction ko sa banda, nandito ang interaction ko kina Gwen [Zamora] at saka interaction ko rin sa mga bata at doon sa manager ko.

"Marami siyang ginagawa. Hindi lang siya naka-based sa isang conflict lang," saad niya.

INSPIRATION. Bukod sa magandang resulta sa ratings ng Biritera, isa pa sa mga nakakapag-motivate kay Dennis na paghusayan ang kanyang trabaho ay ang mga inspirasyon niya sa buhay.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

25 Comments

  • heaven_31007

    02/28/2012 | 10:42 PM
    magkatotoo kaya ang chika na meron pinaplanong teleserye re WW II historical drama about a Japanese general to be portrayed by Dennis who gets involved with a Filipina spy to possibly be portrayed by Lovi plus with Bianca din but i dont know what her role is pa. this is for the latter quarter of 2012 pa ata. at least, kakaiba na ngayonand naglelevel up from the usual fare ang mga tema ng kapuso tv soaps. sana pumatok ang lahat ng kapuso soaps na naglelevel up na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heaven_31007

    02/28/2012 | 10:38 PM
    yan extra challenge nila dennis and bianca was around 2005 pa and so, 7 years ago pa yan. alot of things have happened in between and theyve grown more mature from their past experiences whether right or wrong experiences. but, who would have known they would wind up with each other. kaya when it is the destiny for two people to be together everything will fall into its right place at the right time no matter what you do.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    02/28/2012 | 10:23 PM
    ganda ng Biritera!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • lingling3

    02/28/2012 | 10:03 PM
    may man-loloko may naloloko,buhay ganyan..Stupid na lang pag nagpaloko pa..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    02/28/2012 | 09:52 PM
    naalala ko dati, di sila close sa Mulawin. tapos sa mga TV guestings, di sila gano nagpapansinan, sa Extra Challenge, nagkagalit pa sila, dahil partners sila, tapos di nagawa yung challenge. sinisisi sya ni Dennis.....ngayon sila na. ang buhay nga naman.lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About