Zsa Zsa Padilla on being thankful to her home network for being considerate with her: "Siyempre the past few years, it's very difficult for my family. Alam naman nila na si Dolphy, aside from being 83 years old, siyempre hindi masyado maganda yung health. And a lot of times talaga, naging very, very considerate hindi lang yung mga co-stars ko kundi yung mga direktor ko, yung staff namin. Manggagaling ako sa ospital, wala akong tulog, diretso ako sa set."

Photo: Allan Sancon

Masayang-malungkot ang naging pamamaalam ng cast ng primetime series ng ABS-CBN na Budoy kahapon, February 28, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Masaya dahil sa suportang ibinigay ng mga manonood sa kanilang programa. Pero sa kabilang banda ay malungkot dahil dalawang linggo na lang ang nalalabi at magtatapos na ito.

MISSING BUDOY. Sa naturang presscon, kapansin-pansin ang naging pahayag ng isa sa cast members na si Zsa Zsa Padilla na lubha raw niyang mami-miss ang samahan nila sa Budoy.

Ayon kay Zsa Zsa, ang nasabing serye ang nagsisilbing outlet niya sa kanyang pinagdadaanan sa kasalukuyan.

"Nakaka-miss talaga yung samahan namin sa Budoy," panimula ng singer-actress.

"Sabi ko nga, ang tawag ko sa kanila, support group. Kasi 'pag pupunta ako sa set, sa kanila ako magsusumbong ng mga problema ko.

"Kilalang-kilala na na nila ako. Kumbaga, open naman ako na sabihin na it has been difficult.

"While doing Budoy, I was going through very difficult chapter in my life.

"Kumbaga, if I look back in time, kung maaalala ko yung Budoy, 'A, 'eto yung time na ano...'

"Kasi nga, naging very close ako sa kanila kasi talagang tinulungan nila ako to get through my problems."

 

ALL ABOUT DOLPHY? Inisip ng karamihan na naroon sa presscon na ang pinagdadaanan ng Divine Diva ay may kinalaman sa kalusugan ngayon ng kanyang long-time partner at Comedy King na si Dolphy.

Saad naman ni Zsa Zsa, "Sabi ko nga, quote-unquote na lang na may pinagdadaanan ako.

"Siyempre, the past few years, it's very difficult for my family.

"Alam naman nila na si Dolphy, aside from being 83 years old, siyempre hindi masyado maganda yung health.

"And a lot of times talaga, naging very, very considerate hindi lang yung mga co-stars ko kundi yung mga direktor ko, yung staff namin.

"Manggagaling ako sa ospital, wala akong tulog, diretso ako sa set. Ganun yung buhay ko.