"Hindi ako yung tipong magpaparinig, hindi ako yung tipo na magpapadala ng e-mails, I don't work that way. Respet 'yun, dapat irespeto yun kasi boss yun, big boss ng Universal yun. I don't stoop down to that level na talagang magpapadala ako ng mga e-mails o magte-text ng mga very negative remark sa kanila. It's not me," says Jed Madela about rumors that he sends hate e-mails and text messages to universal records big boss Kathleen Dy-Go.

Photo: Noel Orsal

Sinagot ng singer na si Jed Madela ang balitang nagpapadala diumano siya ng hate e-mails at text messages sa big boss ng Universal Records na Ms. Kathlee Dy-Go.

Ito ay dahil diumano sa hindi kuntento ang ASAP mainstay sa pagpapalakad ng Universal sa kanyang recording career.

Isa raw sa ikinakasama ng loob ni Jed ay ang hindi pantay na promo na ibinibigay ng naturang recording company sa mga album nila ni Christian Bautista.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jed, kaagad niyang nilinaw na walang katotohanan ang lumabas na mga balita.

"It's not true, it's very unlikely of my personality to bash people. 

"Ako yung tipo na 'pag may problema at kaya namang ayusin, inaayos na agad.

"Hindi ako yung tipong magpaparinig, hindi ako yung tipo na magpapadala ng e-mails... I don't work that way.

"Respeto yun, dapat irespeto yun kasi boss yun, big boss ng Universal yun.

"I don't stoop down to that level na talagang magpapadala ako ng mga e-mails o magte-text ng mga very negative remark  sa kanila. 

"It's not me," mariing sabi ni Jed.

NO RIVALRY WITH CHRISTIAN. Nilinaw rin ni Jed na wala talagang isyu sa kanila ni Christian.

"It's funny kasi hindi namamatay-matay. 

"I laughed at these issues kasi parang wala... senseless.

"Christian is a different artist compared to me.