Mark Herras on his "mature role" in Hiram Na Puso: "Pero siguro, this year lang na nasabi kong mas matured kasi mas naipakita ko sa kanila na hindi ko ginagawa 'to para maibalik sa akin na, 'O, dapat kay Mark  yan!' Hindi, ginagawa ko 'to dahil mas nagseseryoso na ako sa project, sa character na binibigay sa akin."

 

Photo: Noel Orsal

"Mature na Mark Herras" ang naging deskripsiyon ng kauna-unahang StarStruck Ultimate Male Survivor tungkol sa kanyang role sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Hiram na Puso.

"Kasi ang story po dito sa Hiram Na Puso... Normally kasi, ang napupunta sa akin, normally gago, luko-loko, di ba? 

"Sabi ko nga, parang true-to-life kasi ang una kong naging dyowa rito is 16 years old. 

"I'm 20 dito sa story. Hindi naman yun typical. 

"Si Krystal Reyes ang una kong girlfriend."

Ang tinutukoy ni Mark ay ang dating child actress na gumanap na bida sa Mga Mata Ni Anghelita.

Patuloy ng young actor, "Kaya sa storycon, sabi ko, 'Sigurado po kayo, si Krystal?' Kasi, para sa akin, as 25 years old, di ba? 

"'Tapos kapag taping, si Krystal, 'Ay, Kuya Mark, di ba may eksena?' Or 'Kuya Mark!'

"Parang ano ba!' natatawang sabi niya.

"Before the scene, nangyari yun, pero doing the scene, ibang Krystal ang makikita n'yo, at the same time, ibang Mark din po.

"Kaya mas masasabi kong mas matured."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark sa presscon ng Hiram Na Puso kagabi, February 28, sa Studio 7 ng GMA Network.

MATURE ACTING. Kung babalikan ang mga ginawang serye noon ni Mark ay nakagawa na siya ng mature roles, gaya sa Paano Ba Ang Mangarap? at Ikaw Sana. Kaya paano niya nasabing "matured Mark" na ang makikita ng mga manonood dito sa Hiram Na Puso?

Saad niya, "Siguro nagkaroon na rin ako ng mga shows na mas matanda pa sa 20 years old.