Ayon kay Mark, "Well, basically, sa relationship, we're still okay.
"We're happy... four years and one month.
"About the issue, siyempre, alam n'yo pa rin po na hindi po ako nanghihimasok.
"Like kanina, sabi sa akin, kung ano raw ang support na naibibigay ko kay Ynna with her or her family.
"Yung suportang naibibigay ko sa kanila is outside or sa likod po ng camera, or sa likod po ng mga media, dahil unang-una, ayoko na pong mas lumaki ang isyu.
"Ayoko na pong mas gumulo pa yun dahil sa akin at lumabas po na may umeepal na isang tao dito, di ba?"
Kumusta naman ang pakikitungo niya sa mga Gutierrez?
"Yeah, yeah, I'm okay. Lalo na kami ni Chard [Richard Gutierrez]," sagot ni Mark.
Pero dahil boyfriend siya ni Ynna, nararamdaman ba niyang kahit paano ay nadadamay o naaapektuhan din siya?
"Well, nanggagaling din naman po sa kanila [Gutierrez family] na hindi nila ako dinadamay.
"Kahit sila Ynna, and even Tita Nadz [Nadia Montenegro], ayaw niya akong isama rito. Sa gulong ito kung anuman ang meron ako.
"Pero yun nga po, anumang suportang ibinibigay ko, sa likod ng kamera, yung akin, yun po ang naibibigay ko sa kanila.
"Being the boyfriend of Ynna, the son of Tita Nadia, and a family to them na matatapos at matatapos din po 'yan."
Ano naman ang reaksiyon niya sa pagsasampa ng kasong libel ni Annabelle laban kay Ynna?
"Sobrang ano... siguro para na lang mabawas-bawasan ang problema ni Ynna or Tita Nadz, or kung sinuman ang sangkot doon sa kaso, siguro ma-lessen na lang ang mga taong nakikialam.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
16 TigerPack
15 beybong
14 cuteme_carol
13 Txmel1
12 Txmel1
11 kapams_saks
10 kapams_saks
9 kapams_saks
8 flonee
7 Paradigm
6 knightkrawlers0
5 yamnt2007
4 prettyme4sure
3 amronayab_57
2 philipimperialiskapuso
1 Paradigm