"Kasi ang pangit na gagawa ka ng statement na walang dating," says Bela Padilla on why she wore her see-through dress at the presscon of Hiram Na Puso last night.

Photo: Noel B. Orsal

Nasoprpresa ang ilang press na dumalo sa presscon ng Hiram Na Puso kagabi, Pebrero 28, sa Studio 7 ng GMA Network Bldg., nang lumabas na sa stage ang isa sa stars ng bagong GMA-7 afternoon series na ito.

Bumaba mula sa hagdan na nasa stage at pumagitna si Bela Padilla suot ang isang black see-through dress.

Banaag na banaag tuloy ang kanyang katawan na walang panloob, liban sa pang-ibaba niyang black panty.

Kahit na walang suot na bra, meron naman siyang nipple pads na tanging takip sa kanyang dibdib.

(CLICK HERE to watch video.)

Sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang pagpapakilala sa cast ng Hiram Na Puso, tinanong pa rin siya tungkol sa isyung nagpa-kontrobersyal sa kanya nitong mga nakaraang araw—ang kanyang FHM Philippines. March issue cover.

(CLICK HERE to read related story.)

"Honestly, from what I've seen, they're more positive than negative," sabi ni Bela sa mga kausap na press people, kasama na ang PEP.

"So, I'm thankful for everyone who appreciated the cover.

"And to those who didn't, I'm sorry if you were offended.

"FHM and I didn't mean any harm from that cover.

"We saw it in an artistic light."

Inaakusahan din siyang gimik lang daw ang isyung may mga nagrereklamong "racist" ang dating ng kanyang cover. Gusto lang daw paingayin nang husto ang kanyang pagiging FHM cover girl.

Sagot naman dito ni Bela: "No. I didn't know where it came from.