Kris Bernal on Jolo Revilla: "Napagdesisyunan nga namin na mas okay kung maging magkaibigan na lang kami. Yung panliligaw, hindi ko kasi alam kung handa akong ma-in love ulit. Kasi alam n'yo naman, galing lang ako sa isang relationship."

Photo: Noel Orsal

Pero ano ang nangyari at tila bigla rin itong nawala o hindi na nag-progress pa?

Sagot ni Kris, "Sa amin ni Jolo, ngayon, magkaibigan kami.

"Natigil na yung panliligaw. Napagdesisyunan kasi namin na maging magkaibigan na lang muna. 

"Siguro dahil masyadong naging mabilis ang mga bagay-bagay.

"Yung hindi pa namin masyadong nakikilala ang isa't isa, parang lumalalim na.

"Patagal nang patagal na, 'Teka, ako ba, handa ako?' 

"Parang ayoko pang pumasok sa isang relasyon na hawak ko pa ang past."

Itinanggi naman ni Kris ang balitang nagkita raw sila ni Jolo sa Amerika nang magbakasyon doon ang Kapuso young actress kamakailan.

"Nagkasabay kami, alam ko po, pero never kaming nagkita sa US," giit niya.

Kailan nagtapos yung "ligawan" sa kanila ni Jolo?

"Natapos siya mga after New Year," sagot ni Kris.

"Kasi, napagdesisyunan nga namin na mas okay kung maging magkaibigan na lang kami. 

"Yung panliligaw, hindi ko kasi alam kung handa akong ma-in love ulit.

"Kasi alam n'yo naman, galing lang ako sa isang relationship."

LOVE ON THE REBOUND. Pakiramdam ba niya ay parang love on the rebound lang kung papasukan niya ang relasyon kay Jolo?