news

Kris Bernal reveals Jolo Revilla has stopped courting her; denies getting back with Jay Perillo

by Rose Garcia posted on February 29, 2012  STATS: 19855 Views | 28 Comments

 

Kris Bernal on Jolo Revilla: "Napagdesisyunan nga namin na mas okay kung maging magkaibigan na lang kami. Yung panliligaw, hindi ko kasi alam kung handa akong ma-in love ulit. Kasi alam n'yo naman, galing lang ako sa isang relationship."

Photo By: Noel Orsal

Muli na namang magbibida si Kris Bernal sa pinakabagong afternoon series ng GMA-7, ang Hiram na Puso, na magsisimula nang mapanood sa Lunes, March 5.

Malaki ang pasasalamat ni Kris sa GMA-7 dahil sa patuloy na tiwalang ipinagkakaloob sa kanya, lalo pa nga't siya talaga ang bida sa mga proyektong ginagawa niya.

Sabi ni Kris, "Oo nga po. Kahit ako nga po nabibigla, e. 

"After Time of My Life, after na magkaka-show ako, iniisip ko, naku, ano kaya ang susunod sa akin? Pero binibigyan nila talaga ako.

"Unti-unti talaga kapag nagkaka-show ka, natutupad ang mga dreams mo for your family.

"Kasi ako, I work for my family. Sila talaga ang inspirasyon ko kaya ako nagwu-work ngayon. 

"Ang sarap ng feeling na ngayon, may bagong show.

"Umaasa ulit sa akin na pagbutihan ko at super thankful ako sa GMA network."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa grand launch ng Hiram Na Puso kagabi, February 28, sa Studio 7 ng GMA Network.

TEAM-UP WITH MARK. Dito sa Hiram Na Puso ay sila muli ni Mark Herras ang magkatambal. Ano sa palagay ni Kris ang meron sa kanilang dalawa na itinuloy ng network ang team-up nila pagkatapos ng Time of My Life?

Sagot ng young actress, "Siguro sa amin ni Mark Herras, ang ganda rin kasi ng working relationship namin. 

"Nakakuha rin kami ng magagandang feedback sa Time of My Life sa loveteam namin. Nabigyan siguro ng chance.

"Sa Time of My Life naman kasi, ang nakatuluyan ko si Rocco [Nacino]. 

"So, ngayon, 'eto, nakatutok talaga ako sa kanya—kay Mark."

Ano ang kakaibang makikita sa kanya ngayon sa Hiram Na Puso?

1  2  3  4  5  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

28 Comments

  • kapams_saks

    02/29/2012 | 10:19 PM
    good luck sa bagong project! pwede na siguro magpataba ng konti iha... yung may laman laman na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • GmePipAgv_Tandem

    02/29/2012 | 09:37 PM
    I didn't see any cleavej but only 2 melons covered n a black curtain that ready to show-down. Its ok to be liberated 'wag lang magmukhang TH.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    02/29/2012 | 09:20 PM
    Patas lang naman mga Kapucho kung nag-eenjoy kayo sa walang wagas na panlalait ng mga Worldclass Kapamilya articles.. pwes mas lalo kaming mag-eenjoy sa pang-ookray ng mga chakang starlets ng GME. Pero sa totoo lang kahit saang anggulo tingnan tong jowa ni jolo kulang sa fashion at growth. Buti nalang nagpakita siya ng cleavageee.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Honey_1046

    02/29/2012 | 08:57 PM
    sana maglabas pa ng maraming article ang PEP about GMA talents, si paradigm baka ma-bored pag walang nalait..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • gorgeous_aleck

    02/29/2012 | 08:20 PM
    paradigm - eto ka na naman. wala ngang nakuha c jolo ky kris dahil dalagang filipina siya di tulad ni kim na nakikitulog sa bf niya nung di pa siya artista. ex-bf ni kim at barkada niya ang source nyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • AKOKAZE

    02/29/2012 | 08:14 PM
    kung may bib necklace sya hindi masyadong masagwa ang suot nya.. kris, get a stylist quick!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Paradigm

    02/29/2012 | 08:06 PM
    Anong nangyari sa kanya? Miyembro ba ito ng sexbomb or hotbabe? She got a liberated kind of looks now. Jolo has stopped courting her... EXPECTED na yan sa mga Revilla pag nakuha na nila ang gusto nila lalayo at iiwanan na.. Blags!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • merlion_25

    02/29/2012 | 07:12 PM
    Nice afternoon drama. Congrats Kris and Mark.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
12

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About