After three years, talent manager Annabelle Rama (left) and former GMA-7 executive Wilma Galvante (right) settle their differences through the intervention of Regal Films producer Mother Lily Monteverde

Photo: Noel Orsal / File photo

Ang Regal Entertainment Inc. producer na si Mrs. Lily Monteverde ang naging instrumento para matapos na ang three-year feud ng talent manager na si Annabelle Rama at ng dating SVP for Entertainment TV ng GMA Network Inc. na si Wilma Galvante.

Nag-organize si Mother Lily ng post-birthday party para kay Ma'am Wilma na magaganap ngayong gabi, March 1, sa Imperial Palace Suites.

Kabilang si Annabelle sa kanyang mga inimbitahan.

Ayon sa source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), noong Linggo pa, February26, hinihiling ni Mother Lily kay Annabelle na makipagkasundo na ito sa newly-retired executive ng Kapuso network.

Nagdiwang ng kanyang 60th birthday si Ma'am Wilma noong Biyernes, February 24.

Hindi sinasadya na nagkita kagabi, February 29, sina Mother Lily at Annabelle sa lobby ng Imperial Palace Suites.

Si Mother Lily ang may-ari ng naturang building samantalang doon naman nag-oopisina si Annabelle bilang tagapamahala ng Royale Era Entertainment & Artist Management.

Muling inulit ng Regal Films producer ang request niya sa talent manager na makipagbati na kay Ma'am Wilma.

Tinawagan ni Mother Lily sa cell phone nito ang former TV executive para sabihin na magkasama sila ni Annabelle ng mga oras na 'yon.

Ikinuwento ng PEP source na hiningi muna ni Mother Lily ang permiso ng magkabilang-panig kung puwede bang mag-usap sila. Parehong pumayag ang dalawa.

Lumayo si Mother Lily habang nag-uusap sa telepono sina Annabelle at Wilma.

Binanggit ng PEP source na nagkumustahan ang dating magkaaway at naging maayos ang kanilang pag-uusap na tumagal ng halos tatlong minuto.

Maligayang-maligaya at nagtatalon sa tuwa si Mother Lily dahil nagtagumpay siya na pagkasunduin sina Annabelle at Ma'am Wilma.

Napaiyak ang movie producer sa sobrang kaligayahan.

Nangako rin si Annabelle na dadalo siya ngayong gabi sa post-birthday party ni Mother Lily para kay Ma'am Wilma sa Imperial Palace Suites.