"Siguro nagkaroon na rin ng confusion kasi ang sabi nila, make your wish list. Pero hindi ako ganun na artista, e. Ayaw ko ng maging diva, ayaw kong mag-demand. Gusto ko sariling kusa so I want it to come from them," replies Derek Ramsay when asked why ABS-CBN has not made an offer to him yet. His contract with the Kapamilya network expired yesterday, February 29.

Photo: Noel Orsal


Natapos na ang kontrata ni Derek Ramsay sa ABS-CBN kahapon, Pebrero 29.

Subalit sinabi ng aktor na hindi pa sigurado ang balitang lilipat na siya sa ibang network.

Bagamat wala pang panibagong offer ang kanyang mother network, nagustuhan naman ni Derek ang inihandang meeting ng ABS-CBN executives kahapon para kausapin siya at ang kanyang ama.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media si Derek sa press conference ng bago niyang pelikulang Corazon, kagabi, Pebrero 29, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN Compound.

"Nag-meeting kami today ni Ma'am Charo, Sir Gabby, Tita Malou, my father.

"My dad cancelled his hospital appointment today para lang makaabot nga sa meeting. It went well.

"This weekend magpa-family meeting kami. Hihintayin namin ang offer ng Channel 2," sabi ni Derek.

Ang tinutukoy ni Derek na naka-meeting nila ng kanyang ama ay sina ABS-CBN Chairman and CEO Gabby Lopez, ABS-CBN President Charo Santos-Concio, at Star Cinema Managing Director Malou Santos.

Bakit wala pang offer ang ABS-CBN sa kanya?

"Siguro nagkaroon na rin ng confusion kasi ang sabi nila, make your wish list.

"Pero hindi ako ganun na artista, e.

"Ayaw ko ng maging diva, ayaw kong mag-demand.

"Gusto ko sariling kusa so, I want it to come from them.

"Ang trato ko sa ABS-CBN, e, pamilya, so manggaling na lang sa kanila kung ano ang gusto nilang ibigay," pahayag ni Derek.

Habang naghihintay, sabi ni Derek ay mag-uusap-usap muna sila ng kanyang pamilya tungkol sa showbiz career niya.