"Sa ngayon wala pang confirmed. Date or going out, okay lang 'yan sa akin. Pero 'yong commitment, hindi, e," says Glaiza de Castro about the current status of her lovelife.

Photo: Nerisa Almo

Pero kung tatanungin ang estado ng relasyon nila ngayon, sabi ni Glaiza, "Wala pang confirmed. Date or going out, okay lang 'yan sa akin. Pero 'yong commitment, hindi, e."

Dagdag pa niya, pagdating sa lovelife, "Enjoy muna. Siyempre nandiyan pa rin ang mga priorities ko, kung ano ang dapat unahin. Mahirap, e.

"Gusto ko rin siyempre, kung ano ang magiging desisyon ko, kunyari kapag may nahanap na ako, gusto ko pa rin mag-artista."

Bukod sa kanyang priorities, mahalaga rin daw para kay Glaiza ang magiging opinyon ng kanyang pamilya kung sakaling pumasok siya sa isang relasyon.

Aniya, "Kasi, gusto ko munang dumaan sa proseso. Ayaw kong biglain lahat.

"Siyempre, kinu-consider ko ang opinyon nila kasi sila 'yong mas nakakakilala sa akin.

"Kung anuman ang sabihin nila, 'yong advice nila, iki-keep ko 'yon in mind."

Kaya naman ngayon, ayaw munang ma-pressure ni Glaiza na magkaroon ng karelasyon.

Diin niya, "Ayaw kong magkaroon din, kumbaga, ng limitations. 'Yong parang ganito muna.

"Basta ako, nakikita ko na okay naman, tingnan na muna natin hanggang sa ma-confirm."