Direk Wenn Deramas expresses his sentiments over issues with Star Cinema: "Ito wish ko ito lagi sa mga tao...' pag nag-usap tayo, di kailangang saktan mo ako para maintindihan mo. Puwede natin itong upuan, 'Ito ang kulang, ito ang sobra.' Hindi mo kailangang saktan ang isang tao para maintindihan niya ang mga bagay-bagay."

 

Photo: Noel Orsal

Hindi kaila sa marami na sumama ang loob ni Direk Wenn Deramas nang hindi siya kunin bilang isa sa direktor ng Metro Manila Film Festival 2011 entry na Enteng Ng Ina Mo.

Ang pelikulang ito ay ang pinagsamang konsepto ng magkahiwalay na pelikula nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas—Enteng Kabisote at Ang Tanging Ina. Nagkaroon na ng maraming sequels ang parehong pelikula.

Ang Enteng Kabisote movies ay idinirek ni Tony Y. Reyes samantalang ang Tanging Ina movies naman ay idinirek ni Direk Wenn.

Pero nang magsanib-puwersa nga sina Vic at Ai-Ai sa Enteng Ng Ina Mo ay si Direk Tony lang ang nagdirek, bagamat si Direk Wenn ang may original concept ng Tanging Ina.

(CLICK HERE to read related story.)

Sa presscon ng pinakabagong proyekto ni Direk Wenn sa ABS-CBN, ang Wako Wako, kahapon, March 1, sa 55 Events Place, Tomas Morato, Quezon City, masayang ikinuwento ni Direk Wenn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na naayos na ang naging problema nila ng Star Cinema.

Katunayan, may mga pelikula na siyang nakalinyang gawin para sa film outfit ng ABS-CBN.

Sabi ni Direk Wenn, "I have two movies pa sa Star. After nitong Moron 5 under Viva na April 7 na ang playdate, Toni [Gonzaga]-Vice [Ganda] movie na...

"Then mayroon akong Maricel Soriano, Aga Muhlach and Roderick Paulate... 'tapos Vilma [Santos]-Ai-Ai [delas Alas] movie."

Pahayag pa ng award-winning director, "Basta bukas lang ang isip natin, 'wag sarado. 

"'Tapos magkaroon lang sana... Ito, wish ko ito lagi sa mga tao—'pag nag-usap tayo, hindi kailangang saktan mo ako para maintindihan mo. 

"Puwede natin itong upuan, 'Ito ang kulang, ito ang sobra. '

"Hindi mo kailangang saktan ang isang tao para maintindihan niya ang mga bagay-bagay."