"And also kaming dalawa, nag-aaral din kami.
SPECIAL TO EACH OTHER. Matagal na silang nali-link ni Louise pero wala pa ring tahasang pag-amin mula sa kanilang dalawa.
"Siguro mali-label ko na we're special to each other.
"Kasi, hayun concentrate kami sa trabaho ngayon at happy kami na nandito kami para sa isa't isa.
"And I'm also happy for her dahil yung loveteam nila ni Alden [Richards] is doing well.
"So, congrats sa kanila. Happy rin siya sa akin dahil sa mga projects na dumarating sa akin ngayon.
"Kasi sayang. After ng Star Struck, medyo bagets pa ko. It's so hard.
"Sa teens ba ako ilalagay or sa mas mature na role? So ako, ni-reinvent ko ang sarili ko since I'm 21.
"And I'm happy na noong ni-reinvent ko ang sarili ko, hayun, tuluy-tuloy ang projects."
May mga bali-balitang madalas daw silang nag-aaway ni Louise at sinasabing siya ang mas nagpapasensiya sa dalaga.
Ayon naman kay Enzo, "Siguro ano, hindi naman maiiwasan talaga na magkaroon ng misunderstanding.
"It's part of life. Imposible naman or wala namang tao na hindi nagkakaroon ng misunderstanding sa isang tao.
"Ako naman, actually, parehas kaming pasensiyoso.
"Ako, pasensiyoso sa kanya. Siya naman, mataas din ang pasensiya sa akin. So, give and take kami."
LOUISE'S MOM. Itinanggi naman ni Enzo ang mga nababalita na ang mommy ni Louise ang tila nakikialam raw nang madalas sa kanila ng dalaga.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
22 grazildachuvastra
21 Paradigm
20 bratinella1234
19 Stellathestar
18 jojojo
17 grazildachuvastra
16 grazildachuvastra
15 grazildachuvastra
14 Paradigm
13 Paradigm
12 bratinella1234
11 Caj
10 lefty
9 glen
8 ashsss
7 sk8r_boi
6 bratinella1234
5 ashsss
4 starstruckfanatic
3 philipimperialiskapuso
more comments