Kilala sa pagganap na kontrabida si Gladys Reyes kaya't malaking sorpresa para sa mga manonood ang pagganap niya bilang isang mabait na ina sa bagong seryeng Wako Wako ng ABS-CBN.
Si Gladys ang gumaganap na nanay ni Yogo Singh sa pang-hapong fantaserye na ito ng Kapamilya network.
Sabi nga niya sa press conference ng Wako Wako March 1 sa 55 Events Place, hindi naman siya ang nag-desisyon na mabait ang role niya. Natuwa na lang siya nang inialok ito sa kanya ng network.
MOTHER ROLE. "Actually, hindi ako ang nag-decide.
"Timing talaga nang alukin ni Direk Wenn [Deramas], siyempre, ina na rin naman ako sa totoong buhay.
"Tamang-tama talaga; proud ako na mapapanood ko [ito] sa mga anak ko.
"Hindi ako nananakit dito sa Wako Wako... isa akong mapagmahal na ina at asawa," ang sabi niya sa press kasama na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).
Dugtong niya, "Ako ay isang mapagmahal na ina at asawa pero kapag kinanti ang anak ko at sinaktan, lumalabas ang pagiging palaban ko.
"So, nandoon pa rin ang touch na hindi pa rin paapi bilang isang ina, lalo na kung anak ko na ang sinasaktan.
"Sobrang naiiyak ako na binigyan ako ng chance ng ABS-CBN at ni Direk Wenn. Lahat ng ginawa ko sa kanya, sobrang binigyan niya ako ng markadong papel.
"So, I'm thankful for that."
PROTECTIVE. Sa totoong buhay, lalaban din daw siya basta may nanakit sa mga anak niya. May tatlong anak na nga si Gladys sa asawang si Christopher Roxas.
"Naman! Oo!
"Hindi... talaga... doon talaga lumalabas.
"Pagsama-samahin mo pa sina Clara at lahat na ng ginampanan ko, lalabas yun basta sa mga anak ko."




CALLED OUT
ALL COMMENTS
19 edsa2008
18 grazildachuvastra
17 kadabarkads
16 kalika
15 grazildachuvastra
14 ka_epal
13 oskieness
12 bratinella1234
11 glen
10 sa_pusoko_kapuso
9 bratinella1234
8 bratinella1234
7 kalika
6 sa_pusoko_kapuso
5 kalika
4 merlion_25
3 ashsss
2 sa_pusoko_kapuso
1 StocksAndBonds