news

TV5 Chairman Manny Pangilinan admits interest to buy GMA Network

by Nerisa Almo posted on March 2, 2012  STATS: 5755 Views | 195 Comments

 

"One thing we do hold sacred to us is that the folks who joined us, particulary the initial batch of people who have joined us, the talents, the staff, the news people, especially at the start, we are deeply grateful for taking a risk with us and we will not abandon them," says TV5 chairman Manny Pangilinan about the welfare of the network employees in case his plan to buy GMA-7 pushes through.

Photo By: Noel Orsal

Inamin ng businessman na si Manny Pangilinan na ilang beses na siyang nakikipag-usap sa mga kinauukulan para sa interest niyang bilhin ang GMA Network, Inc.

Nakausap ng ilang media ang may-ari ng TV5, PLDT, at Smart Telecommunications sa ginanap na stockholders' meeting ng isa pa niyang kumpanya, ang Metro Pacific, kahapon, Marso 1.

Ayon sa ulat ng Business Nightly ng ANC kagabi, Marso 1, sinabi ni MVP na ilang beses na rin nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa balitang pagbili niya sa Kapuso network.

"We've talked to them, you know, since 2002, and then maybe five years ago," sabi ni MVP (tanyag na tawag kay Pangilinan).

Pero dagdag niya, ang mga lumabas na balitang pag-uusap kamakailan ay "preliminary" lamang.

Sa kabila ng ulat ng ito, tiniyak naman ni MVP na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng Kapatid network.

Aniya, "One thing we do hold sacred to us is that the folks who joined us, particulary the initial batch of people who have joined us, the talents, the staff, the news people, especially at the start, we are deeply grateful for taking a risk with us and we will not abandon them."

EARLIER RUMOR. Matatandaan na noong nakaraang taon, ibinalita ng isang "marketing website" ang umano'y bulung-bulungan na gustong bilhin ni MVP ang Kapuso network sa halagang 500 bilyong piso.

Lumakas ang usap-usapan tungkol dito nang mag-post sa Twitter si Ruffa Gutierrez, kilalang TV host-actress ng TV5, tungkol sa umano'y susunod na bibilhin ng may-ari ng Kapatid network.

Ani Ruffa, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Pero bago pa man mag-isip ang mga nakabasa nito kung ano ang tinutukoy ni Ruffa, muli siyang nag-tweet, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

(CLICK HERE to read related article) 

Samantala, sa isang panayam kay GMA Network CEO and Chairman Atty. Felipe Gozon, pabiro niyang sinagot ang mga haka-hakang ito.

Ayon sa Kapuso big boss, "Kung P500 billion, ibebenta ko right now.

"Kung may mag-o-offer ng P500 billion, kahit tulog ako, gisingin n'yo ako, I will sell.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

195 Comments

  • 15  jams_mom

    03/02/2012 | 07:08 PM
    WHAT'S WITH GMA-7?... everybody's just soooo interested with what it has to offer... lahat na ng black propaganda naisip na ng kalaban sa mother ignacia, pero patuloy na namamayagpag ang siyete... MVP has been interested with GMA since 2002... TEN YEARS na palang gustong bilhin ni MVP ang GMA, and never nagbago ang isip nya kahit hindi rin interesado ang mga Jimenez, Duavit at Gozon... wow, MVP must be really admire how well GMA has been managed... malas lang nya kasi kung 10 years ago na hindi pa masyadong successful ang GMA, hindi niya nabili ito, ngayon pa kayang NUMBER ONE TV STATION na sila?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 14  JokoNazMan

    03/02/2012 | 07:05 PM
    It shows the real status of GMA 7.... that GMA is the real gem...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pretty

    03/02/2012 | 06:57 PM
    yung mga pepsters dito, mag babangayan na naman lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  pretty

    03/02/2012 | 06:57 PM
    Maraming pera si MVP.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  Geresh7

    03/02/2012 | 06:54 PM
    IKAW NA GMA7 LAHAT NA NAKATANGHOD SAYO... ANG CHANNEL 2 NAGLALAWAY SA MGA TALENTS NG GMA, ANG TV 5 NAMAN NA WALANG NANONOOD GUSTONG BILHIN ANG BUONG GMA. SIR GOZON KASI SHARE MO SA KANILA ANG SEKRETO MO KUNG PANO MAMALAKAD NG TV CHANNEL HAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  jeac3

    03/02/2012 | 06:54 PM
    sino ang bibili ng DOS, it a losing company or investment, di gaya ng GMA, its making money and have a bright future.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Geresh7

    03/02/2012 | 06:52 PM
    Naku nman MVP kasi baka luging lugi kana't lahat o kinuha mo na lahat ng hollywood stars sa isang pipitsuging miniseries eh wala parin manood sa TV5. Ang bilhin nga nman ang number 1 channel sa Pilipinas ang nakikita mong bawing bawi na investment
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • magsasaka

    03/02/2012 | 06:51 PM
    Iba talaga ang GMA7. ang ABS interesado sa mga talents ng 7, ang TV5 interesado sa GMA7.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Geresh7

    03/02/2012 | 06:47 PM
    inggit naman ang mga polubing tsakamilya. Walang nagkakainteres na bumili sa lubog sa utang na abscbn lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • uncle_obob

    03/02/2012 | 06:47 PM
    ashss cgurado ka ba jan? palibhasa kasi ung istasyon mo na dos walang mgkainteres na bumili..kaw ba bibili ka ba ng isang bagay na walang halaga? walang market value? hahaha typical kapampam ka nga..NGA NGA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Geresh7

    03/02/2012 | 06:46 PM
    hindi kasi mapaangat ni MVP ang TV5 kinuha na si Nora, si David Archuleta wala parin sumilip man lang sa channel nya. GMA7 naman kasi lahat nakatutok ang manonood kaya naglalaway syang bilhin ito. Eh Channel 2 kaya sino may gusto sumalo at bumili sa lubog sa utang na ABSCBN bwahahahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • magsasaka

    03/02/2012 | 06:44 PM
    Kung mabibili ni MVP ang GMA7, sigurado ang TV5 ay aakyat sa no.1
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • ashsss

    03/02/2012 | 06:43 PM
    tsk tsk tsk..poor gma..poor kapuso fans..mabubura na ang GMA NETWORK soon!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tearhere

    03/02/2012 | 06:39 PM
    Rich nman, ang maganda jan lahat ng meron xa nakuha sa pagsisikap tlga, yan ang mayaman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About