news

TV5 Chairman Manny Pangilinan admits interest to buy GMA Network

by Nerisa Almo posted on March 2, 2012  STATS: 5741 Views | 195 Comments

 

"One thing we do hold sacred to us is that the folks who joined us, particulary the initial batch of people who have joined us, the talents, the staff, the news people, especially at the start, we are deeply grateful for taking a risk with us and we will not abandon them," says TV5 chairman Manny Pangilinan about the welfare of the network employees in case his plan to buy GMA-7 pushes through.

Photo By: Noel Orsal

Inamin ng businessman na si Manny Pangilinan na ilang beses na siyang nakikipag-usap sa mga kinauukulan para sa interest niyang bilhin ang GMA Network, Inc.

Nakausap ng ilang media ang may-ari ng TV5, PLDT, at Smart Telecommunications sa ginanap na stockholders' meeting ng isa pa niyang kumpanya, ang Metro Pacific, kahapon, Marso 1.

Ayon sa ulat ng Business Nightly ng ANC kagabi, Marso 1, sinabi ni MVP na ilang beses na rin nagkaroon ng pag-uusap tungkol sa balitang pagbili niya sa Kapuso network.

"We've talked to them, you know, since 2002, and then maybe five years ago," sabi ni MVP (tanyag na tawag kay Pangilinan).

Pero dagdag niya, ang mga lumabas na balitang pag-uusap kamakailan ay "preliminary" lamang.

Sa kabila ng ulat ng ito, tiniyak naman ni MVP na walang dapat ikabahala ang mga empleyado ng Kapatid network.

Aniya, "One thing we do hold sacred to us is that the folks who joined us, particulary the initial batch of people who have joined us, the talents, the staff, the news people, especially at the start, we are deeply grateful for taking a risk with us and we will not abandon them."

EARLIER RUMOR. Matatandaan na noong nakaraang taon, ibinalita ng isang "marketing website" ang umano'y bulung-bulungan na gustong bilhin ni MVP ang Kapuso network sa halagang 500 bilyong piso.

Lumakas ang usap-usapan tungkol dito nang mag-post sa Twitter si Ruffa Gutierrez, kilalang TV host-actress ng TV5, tungkol sa umano'y susunod na bibilhin ng may-ari ng Kapatid network.

Ani Ruffa, "Guess what MVP is buying next?? Found out last week through a little birdy but the few people I told didn't believe me. Now its CONFIRMEDDD."

Pero bago pa man mag-isip ang mga nakabasa nito kung ano ang tinutukoy ni Ruffa, muli siyang nag-tweet, "READ my tweet again. I never confirmed what MVP is buying! Kaya sa mga assuming, don't put words in my mouth. Yes and that includes you!"

(CLICK HERE to read related article) 

Samantala, sa isang panayam kay GMA Network CEO and Chairman Atty. Felipe Gozon, pabiro niyang sinagot ang mga haka-hakang ito.

Ayon sa Kapuso big boss, "Kung P500 billion, ibebenta ko right now.

"Kung may mag-o-offer ng P500 billion, kahit tulog ako, gisingin n'yo ako, I will sell.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

195 Comments

  • 95  gorgeous_aleck

    03/03/2012 | 09:02 AM
    infairness! sa title palang, masasabi mo na maganda ang takbo ng gma kasi may nagkakainterest.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 94  shastarose

    03/03/2012 | 08:17 AM
    excited lahat kay Manny P, ang tanong san ba galing ang pera niya? baka magulat kayo hindi na pala Filipino ang may ari ng dalawang TV station sa Pinas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 93  ClawClown

    03/03/2012 | 08:15 AM
    Yun naman pala eh, may pnanggalingan yung tsimax noon na ibilhin ni MVP ang GMA. If the price is right, di po ba Atty Gozon? Business iyan kaya dapat may katapat na tamang halaga.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 92  ipur

    03/03/2012 | 08:10 AM
    Nong 2002, 'nong hindi pa kagandahan ang business ng GMA, ito ang network na ang pinagka interesan ni MVP. sino bang hindi magka-interest kung pwedeng sa mura halaga lang n'ya ito mabibili.'nong sabi na lumakas lakas ang GME, biglang naglaho ang usaping 'yon kasi tumaas daw ang presyo ng GME. kaya hayon nagtyatyaga na lang s'ya sa TV5 which murahin naman talaga... ngayon na nagka-interest na naman si MVP, ibig sabihin n'yan na merong problemang pangfinancial ang GME. kaya posibleng mabibili na naman n'ya ito sa murang halaga...and the is evident sa resignation ng mga mataas na rank sa company... hmmmm...GME for SALE....kalurkey...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 91  steelwings

    03/03/2012 | 07:40 AM
    VERY GOOD! akalain mong isang bigtime tycoon na si MVP eyes GMA7! Ganyan ka ganda ang Kapuso network! Malinis kasi na media company ang GMA7 kaya talagang mataas ang interes na bilhin ni MVP ang GMA7! But GMA7 CEO Atty Felipe Gozon didnt offer GMA7 network for sellout! Pero kung matutuloy yun, magiging POWERFUL ang GMA7 and TV5 sa media, ang ABSCBN, gagapang na lang yan pababa! hahahah! Tell me, sinong businessmen ang pinapangarap makuha ang ABSCBN??? WALA!!! Financial records palang ng ABSCBN, WALANG MAGKAKAINTERES na bilhin or even buy its affiliates! hahahha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 90  bisdak_akopud

    03/03/2012 | 07:04 AM
    Lugi ang tv5? FYI si Manny Pangilinan ang pinakamayaman sa lahat ng networks! Pati kayo kaya nyang bilhin kasi kaya nga nag OFW kayo kasi hindi nga kayo kaya ipawork ng sarili nyong bansa! kaya shush!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 89  oneworld

    03/03/2012 | 06:06 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 88  oneworld

    03/03/2012 | 06:05 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 87  inblack

    03/03/2012 | 04:57 AM
    huli na kayo sa balita kasi c MVP ay walang interes bilhin ang ABS kasi ang mga CEO Don mga sinungaling...lol..dba Gina Lopez...ur are lying...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 86  amang

    03/03/2012 | 04:40 AM
    i love kapuso... go go go kapuso..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 85  raian13

    03/03/2012 | 04:01 AM
    it doesn't mean na kapag binebenta na ang isang company, palugi na ito. It's a flattery nga for the GMA CEO's na may gustong mag-invest sa kanila kasi alam nila na malaki ang potential ng GMA. If you're an investor, mag-iinvest ka ba sa isang company na alam mong d ka kikita? Atsaka MVP has its eyes on GMA when it's on the top of its game. Kung palugi na ang GMA at saka naman naging interesado si MVP, un ang bankrupt.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 84  byutipolpsychology

    03/03/2012 | 03:42 AM
    83 pearl102 - definitely wala kang alam sa financing. Tama ka nangutang ang ABS-CBN para ipambayad sa dating utang. Bakit? Kasi po mas mababa ang interest rates nung bago nilang inutang kumpara sa inutang nila noon. So by this, mas nakasave ang ABS-CBN by reducing the interest cost.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 83  pearl102

    03/03/2012 | 02:51 AM
    82 AstroNut March 3, 2012 02:22 AM kumikita pa kasi ang GMA nung andun pa si Angel Locsin kaya di pa binebenta ang GMA. pero simula nung pumalit si Marian sa pwesto ni Angel, nagumpisa nang bumagsak ang GMA. kaya nilalako na naman ni Gozon ang GMA kay MVP. tsk tsk tsk, BUMAGSAK ANG GMA SA MGA KAMAY NI MARIAN, yung pinagmamalaki nyong primetime queen na fake ang kasikatan. -------------------------------------Hahaha AstroNUT is really NUTS bwahahaha. Eh ano naman ang masasabi mo sa pangungutang ng ABS CBN noong 2010 para ipambayad sa UTANG din?? Kung tutuusin bilyones ang kita ng lahat ng BLOCKBUSTER MOVIES ng DOS eh bakit mangungutang para lang mabayaran ang UTANG??? Simula ng lumipat si Angge sa DOS puro utang na lang sila. Hindi lang iyan, dami ng ibinentang company ang mga Lopez.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 82  AstroNut

    03/03/2012 | 02:22 AM
    kumikita pa kasi ang GMA nung andun pa si Angel Locsin kaya di pa binebenta ang GMA. pero simula nung pumalit si Marian sa pwesto ni Angel, nagumpisa nang bumagsak ang GMA. kaya nilalako na naman ni Gozon ang GMA kay MVP. tsk tsk tsk, BUMAGSAK ANG GMA SA MGA KAMAY NI MARIAN, yung pinagmamalaki nyong primetime queen na fake ang kasikatan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 81  Speed_OfLight

    03/03/2012 | 01:50 AM
    noon pa dapat nakapasok si MVP sa GMA, ang kaso, gusto nya sa CEO at Chairman di lang basta investor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  rhiamags

    03/03/2012 | 01:43 AM
    para sulit ang bentahan, dapat gawin nang free ang gma records.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  inlove_408

    03/03/2012 | 12:59 AM
    Maganda ito kapag nagsanib pwersa ang GMA and TV5. Waley na ang ABSCBN. Kapuso ako mula ulo hanggang paa pero i like the idea na papasok si MVP sa picture. Para head to head ang labanan sa Vekimilya. Sana nga matuloy na...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  beybong

    03/03/2012 | 12:45 AM
    ibenta na yan!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  anchor24

    03/03/2012 | 12:38 AM
    hoy brainful, di kita papatulan. di hamak na mas madami akong alam sa iyo at mas may access ako. hehe. hanap ka ng iba mong kausap.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  opinionko2noh

    03/03/2012 | 12:34 AM
    SIGNS are everywhere, malamang sa alamang MVP will have GMA. Sudden retirement of Galvante, untimely resignation of Ida Henares. GMA recording and GMA Films are not given priorities. Why? Because when you're selling something, you will hold your resources at bakit ka naman magpro-project sa GMA Records at GMA Films eh di nabitin lang at hassle pa. Gozon is a wise man, he sticked with starlets and wannabees, eka nga, cheap labor means more income. Sumikat ba yung mga Starstruck winners, si Jennelyn at Mark lang, eh yung mga nanalo sa singing contest nila, ano nga name nila? That's a strategy of a smart businessman, bakit sya gagastos to promote and endorse these discoveries, bahala sila sa kanilang effort to shine, basta si GOZON, tipid para marami tubo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About