"Unfortunately, I will have to be more maingat sa mga Pinoys. Medyo naging 'traumatic' experience kasi yung nangyari.  Pero I cannot generalize, kasi ang bait ng mga Pinoy. Hindi naman lahat ng mga lalaki ay tulad ng guy na yun," says Daiana Menezes, referring to her ex-boyfriend GB Sampedro.

Photo: Courtesy of Daiana Menezes

Survivor din na maituturing si Daiana dahil sa tatlong pagkabigo sa pag-ibig na naranasan niya sa mga Pilipinong nakarelasyon.

Una'y kay Carl Guevarra, pagkatapos ay kay Sam YG, at ito ngang katatapos lang ay ang pinakamalalang breakup niya—kay GB Sampedro.

Matatandaang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng direktor na nangako pa sa kanya noon ng kasal, kahit na wala pang anim na buwan silang magkasama.

Aminado si Daiana na sobrang na-in love siya kay GB. Tinanggap niya ito kahit na may mga anak ito sa dating asawa at kahit may record na ng pangangako ng kasal sa nagiging girlfriend nito.

Ang huling pinangakuan ng kasal ni GB, bago naging girlfriend si Daiana ay ang komedyanang si Candy Pangilinan.

WARY OF PINOY MEN NOW. Dahil tuloy sa pangit na karanasan niya sa pakikipagrelasyon sa mga Pilipino, tinanong ng PEP kung magiging maingat na ba siya sa pagpasok muli sa relasyon sa isang Pinoy?

"Unfortunately, I will have to be more maingat sa mga Pinoys," nakangiting sabi ni Daiana. "Medyo naging 'traumatic' experience kasi yung nangyari.

"Pero I cannot generalize, kasi ang bait ng mga Pinoy. Hindi naman lahat ng mga lalaki ay tulad ng guy na yun," sabi pa ni Daiana na ang tinutukoy ay si GB.

MORE FOCUSED THIS YEAR. Ngayong taon, talagang magiging focused na siya sa kanyang career at hindi muna papasok sa isang relasyon.

"Ngayong 2012, natuto na ako dun," tukoy ni Daiana sa karanasan niya sa pag-ibig nung 2011.

"Dapat i-focus mo talaga ang sarili mo sa trabaho. Hindi lang yung kalahati sa love life, kalahati sa trabaho.

"You really lose yourself when it comes to that, especially, for a person as young as me," dagdag pa ni Daiana.