news

Former President Ramos's daughter files sex raps against two Azkals

by Glen P. Sibonga posted on March 4, 2012  STATS: 95274 Views | 213 Comments

 

Azkals players Angel Guirado (left) and Lexton Moy (right) face sex raps after former Philippine Olympic Committee president Cristy Ramos filed gender insensitive complaints against them. Cristy is the daughter of former President Fidel V. Ramos.

Photo By: Monching Jaramillo

Nasasangkot na naman sa panibagong kontrobersiya ang mga miyembro ng Philippine Azkals.

Inirereklamo ng anak ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na si Cristina "Cristy" Ramos, isang sports official, na binastos daw siya ng dalawang miyembro ng Philippine football team.

Bukod sa pagiging anak ng dating pangulo, si Cristy Ramos ay dati ring presidente ng Philippine Olympic Committee. Nagsisilbi siya ngayon bilang match commissioner ng Federation Internationale de Football Association (FIFA).

Sa ulat ng 24 Oras Weekend na napanood sa GMA-7 kagabi, Marso 3, sumulat na si Ramos kay Lim Kia Tong, chairman ng Asian Football Confederation (AFC) Disciplinary Committee, para ipaalam ang umano'y sexual harassment o pambabastos na ginawa sa kanya ng Azkals players na sina Lexton Moy at Angel Guirado.


THE INCIDENT. Ayon kay Ramos, verbal na pambabastos daw ang inabot niya kay Moy.

"... Philippine player Lexton Moy (No. 25) stood by my right side and said in a loud voice 'must be a B cup,' to which the players laughed loudly," sabi ni Ramos sa kanyang complaint letter at incident report.

Ang tinutukoy raw nito ay ang size ng kanyang bra dahil siya lang naman daw ang babaeng naroon ng oras na iyon.

Bukod pa rito may hindi kanais-nais na aksyon naman daw na ginawa si Guirado.

"... when I checked Philippine player Angel Guirado [No. 12] he stood in front of me purposely just wearing his briefs and made no attempts to wear shorts or cover his underwear."

Nangyari ang umano'y pambabastos nang magsagawa siya ng mandatory team check sa Azkals noong Pebrero 28 sa Discovery Suites sa Pasig, isang araw bago ang friendly match ng team kontra sa Malaysia.

Si Ramos ang tumayong match commissioner noong friendly match at naaayon sa regulations ng AFC ang isinagawa niyang team check sa dalawang koponan.


PAINFUL EXPERIENCE. Sa telephone interview ng GMA News kay Ramos, inamin nito na nasaktan siya sa ginawa ng Azkals lalo na't ito pa naman ang team ng Pilipinas.

Ayon kay Ramos, "It's really painful for me because it had to happen with my team, you know, the team of my country. It did not happen to me anywhere else.

"And of course I expect some disciplinary actions and some sanctions whatever they may be."

Wala raw noon ang team manager ng Azkals na si Dan Palami at ang head coach na si Michael Weiss.

Si James Younghusband na tumatayong team captain ang naroon. Pero wala naman daw itong ginawa para kontrolin ang teammates.

Sabi pa ni Ramos, "This is unacceptable behavior as far as I'm concerned and again as one of the duties of a Match Commissioner, I have to report this incident because this is sexual harassment."


AZKALS MANAGER APOLOGIZES. Sa official statement naman ni Palami, tiniyak niyang hindi kukunsintihin ng team management ang ganitong aksiyon. Kakausapin niya raw ang team tungkol dito.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

213 Comments

  • 193  shingaling20

    03/06/2012 | 04:18 PM
    KUNG SEXUAL HARASSMENT ANG CASE..MEDYO MALABONG MANALO KASI WALA NAMANG MORAL ASCENDANCY sina guirado at moy over her..pwede pa siguro unjust vexation under the criminal law
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  drjones1026

    03/06/2012 | 04:01 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  milomilo123

    03/06/2012 | 03:46 PM
    nagpapansin si cristy, she behaves as if she is still a presidential daugther...gusto yatang kumandidato bilang congressman sa pangasinan kalabanin ang anak ni baby arenas kaya nag ingay... miriam says I WAS NOT BORN YESTERDAY ...WHAAAA...Ganoon naman talaga pag na sa locker room ang mga lalake parang mga barako, para namang hindi sportman ang asawa nya baka BKng sportman ang asawa nya again whaaaaaaaaaaa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  StocksAndBonds

    03/06/2012 | 02:40 PM
    Even if these players are not full-blooded Filipinos and it's just nudity and disrespect for women may just be a non-issue in their home country, the fact of the matter is, they are IN THE PHILIPPINES AND REPRESENT THE COUNTRY, IT SHOULD BE THEM WHO SHOULD CONFORM AND ADJUST TO PHILIPPINE CUSTOM AND TRADITION AND NOT THE OTHER WAY AROUND. Ang gusto kasi nila, sila itong pagpapa-sensyahan imbes na sila itong mag-pasensya, kanino ba galing ang sweldo nila?? Di ba sa ma Pinoy rin?!?!? Ma-feeling kasi masyado, mas mabuti pa yung purong-pinoy na lang ang kuning players ang dami naman diyang magagaling. Itong mga ito kasi feeling guapo, hello? Hindi naman lahat ng foreigners guapo at mas lalo naman hindi lahat magaling!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  my_melody

    03/05/2012 | 11:16 PM
    mga bastos pala ang mga pag-uugali nito, kala ko matitino? mayayabang..kaya siguro hindi kayo palaging nananalo sa mga laban n'yo kasi pambabastos ang inaatupag n'yo sa halip na pagdarasal muna!kagigil kayo ha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  lotuss

    03/05/2012 | 08:38 PM
    Tama lang na bigyan ng leksyon yan mga hinayupak na azkal na yan.. Mga bastos !!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  lefty

    03/05/2012 | 07:49 PM
    me bagong excuse ang nga asal kalyeng asong ito na taga europe daw kc yung isa at sanay ng nakahubad..aba eh pabalikin na yan sa bansa nya kung hindi nya kayang respituhin ang nga filipina...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  sitsitali

    03/05/2012 | 06:37 PM
    nakakalungkot na ang iba ay pinagtatanggol ang asal at kilos ng mga azkal. nasan na ba ang pagrespeto ng mga lalaking pilipino - lalo na mga half-half na ito - sa mga kababaihan? hindi sa pagiging konserbatibo o pagmamalinis, pero masyado na bang mababa ang antas ng paggalang ng mga tao sa kanilang kapwa. tsk tsk tsk. saan na nga kaya pupulutan ang pilipinas? kung sa mga kapamilya o kaanank nyong babae nangyari ang ganyan, hahayaan nyo na lang? at kung may babaeng naghahabol sa kanila, hindi lahat ng mga babae ay nagpapantasya sa kanila. ang yabang nila ay ipakita nila sa paglalaro, hindi sa pambabastos ng babae.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  Pretty_ako

    03/05/2012 | 06:37 PM
    Let's see how this issue will play out in court. I'm just wondering why Cristy Ramos did not admonish those 2 Azkals right there and then and did she not tell coach Palami about the incident eh nagkita pala sila right after the incident. This is a very serious allegation, the reputation of both parties are at stake. Still, no one has the right to make you feel uncomfortable unless you allow them to.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  mariveng1234

    03/05/2012 | 06:35 PM
    These Azkals, kung maka-asta, akala mo laha ng babae dito sa Pilipinas eh patay na patay sa kanila. ANg yayabang, hindi naman mga kagalingan. Palayasin na yang mga yan, tutal hind naman mga Pilipino. Hoy, azkals, matuto kayong kumilos-tao dito sa bansa namin! Kung sa bansa nyo Ok lang ang ganyang mga asal nyo, bumalik na kayo doon. Magsilayas kayo dito!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  sitsitali

    03/05/2012 | 06:30 PM
    kabastusan pa rin ang ginawa ng mga ito. government official sya, at kahit hindi sya opisyal, igalang pa rin sya dahil hindi naman sila maituturing na close friends ng mga ito para sabihan at gawan ng ganun. sinabihan sya ng cup B, ang ibig sabihin lang tinititigan at tinatantiya nila ang sukat ng kanyang dibdib. hindi ba kayo makakaramdam ng pambabastos? nagtawanan pa sila na mas lalong nakakabastos gayong siya lang ang babae sa room kasama ang azkals. at yong ginawa ni guirado, hindi dahil na porke lang europa sya ay angkop na ang kinikilos nya sa kultura ng pilipino o kahit ng mga asyano. matuto silang gumalang sa kinaugaliang asal ng ibang tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  daredeviltry

    03/05/2012 | 06:27 PM
    naniniwala na ko na mga maniac and rapist mga azkals, ndi ito first time na mainvolve cla sa kasong gnto, shame on you azkals
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 181  yummylicious2012

    03/05/2012 | 03:51 PM
    correction.. i meant "some people" not sound..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 180  yummylicious2012

    03/05/2012 | 03:49 PM
    omg, sound people don't even know what sexual harassment is pero super react...harassment can be verbal or physical, what maybe a joke to you, may not be a joke sa pinagsabihan mo and that is harassment already. To avoid that from happening again, she should have talked to them right in their faces, tell them that she was offended, and if they'd do it again, she will put them in another level. Then, doon sya mag-file. Dun naman sa nireklamo and to the rest of the team, may this be a lesson sa inyong lahat.... Just because you're a star player, that does not make u a god...to think ala pa yatang trophy na nakukuha ang team na to..lerkey...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 179  YanLai

    03/05/2012 | 03:47 PM
    couch...icompare daw ba ang sauna sa work or duty as government official
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 178  brainful_than_brainful

    03/05/2012 | 03:47 PM
    pustahan mga dumidepensa sa mga askals mga bakla at mga babaeng walang laman ang utak kundi puro kilig....wag kasi nood ng nood ng mga cheap and kilig movies ng star cinema...hahah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 177  YanLai

    03/05/2012 | 03:08 PM
    ay yang naka-itim at fangit na calvo mukhang size cup-B ang head nya lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 176  couchtomato

    03/05/2012 | 03:06 PM
    Angel Guirado is Spanish and nudity is not a big deal to Europeans the way it is to Filipinos. I'm sure there's no malicious intent in him being in his underwear, he was not even nude. Ganun lang talaga sila. Ang mga suana nga sa gym sa Europe halo ang babae and lalake e. Di kasi makitid mga utak nila dun when it comes to nudity. Nudity doesn't equate to sex.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 175  YanLai

    03/05/2012 | 03:06 PM
    mga aSkal nga tlga...feeling gwafu pero ang fafangit fala...esp yang naka-itim na calvo mukha kang vastos noy!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 174  jules67

    03/05/2012 | 02:19 PM
    they are living up to their team's name AzKals, asong kalye
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

more comments

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About