Former SexBomb girl Izzy Trazona (main) and StarStruck season 1 avenger Alvin Aragon (inset) finally got married and shared their first kiss on February 18.

Photo: Noel Orsal & igma.tv

Sa Startalk TX last year unang inanunsyo ng StarStruck season 1 avenger na si Alvin Aragon at dating SexBomb girl na si Izzy Trazona ang plano nilang pagpapakasal.

Nuong February 18, dumating ang  pinakahihintay na sandali nina Alvin at Izzy.

Live na nag-guest ang mga bagong kasal Sabado, March 3, sa Startalk TX at ininterbyu sila ng host ng show na si Joey de Leon.

Kumusta sila ngayong kasal na sila?

Ano ang naramdaman nila nang sabihin ng pastor during their wedding na "Alvin may kiss his wife..."

Habang magkasintahan kasi ay nangako si Alvin na igagalang niya si Izzy at ni hindi niya ito hahalikan hangga't hindi sila ikinakasal.

Masayang-masaya raw si Alvin, at ayon kay Izzy, ngayong kasal na sila ay...

"Sobrang happy po!"

Sa tanong naman kung mabait na siya ngayon, sinabi ni Alvin [na noon ay nakilalang pasaway] na...

"Progress po yun."

May pagkakataon ba na may dumating na tukso para sirain nila ang pangako nila na hindi sila maghahalikan hangga't hindi sila kasal?

"Actually po, hindi naman talaga absent yung temptation," ang sinabi ni Alvin.

"Meron talagang temptation. Hindi mo kayang mapagtagumpayanan yun kung... ang mahalaga talaga meron kang relationship kay Lord.

"Kasi iyang mga temptation po ay hindi mo naman kayang labanan talaga yan.