Naniniwala si Edward Mendez na ang pagiging malapit niya sa Belo at Henares family at ang madalas nilang paglabas ang dahilan kung bakit natsitsismis siya kay Dra. Vicki Belo.

"Well I guess hindi rin mapi-prevent yung ganitong sitwasyon na people would think... or ma-link ako kasi I'm very close to them nga, especially to Vicki," he says.

 

Photo: Courtesy of ABS-CBN

Matapos maugnay ang pangalan ni Dra. Vicki Belo sa kanyang yoga instructor na si Al Galang, nali-link naman ito ngayon sa aspiring actor at model  na si Edward Mendez.

Now a fitness and wellness consultant, ang 27-year-old na si Edward ay direktor sa kumpanyang affiliated sa negosyo ni Vicki.

Nagpaunlak ng eksklusibong panayam ang Sports and Science major sa Startalk TX host na si Butch Francisco na ipinalabas Sabado, March 3.

Tinanong ni Butch si Edward kung ano ang reaksyon nito sa pagkaka-link niya kay Dra. Belo?

"Well, I'm surprised! I'm very surprised na ako yung na-link, pero you know hindi ko kasi siya in-expect, e.

"I've been close [to] the Belo family for almost ten years now and Vicki and the kids are like family to me."

Nagsimula bilang ordinaryong kliyente sa klinika ni Vicki si Edward hanggang sa mapalapit ito sa pamilya ng doktora.

"Vicki is like a... so wonderful... isa sa pinaka-nice people I've ever known.

"So yung friendship just developed, so I got to know yung kids niya, I got very close to them also, I got to know her ex-husband, si Atom [Henares].

"So you know, I just felt glad being part of the family."

Naniniwala si Edward na ang pagiging malapit niya sa Belo at Henares family at ang madalas nilang paglabas ang dahilan kung bakit natsitsismis siya kay Vicki.

"Well I guess hindi rin mapi-prevent yung ganitong sitwasyon na people would think... or ma-link ako kasi I'm very close to them nga, especially to Vicki."

So can he categorically say na there is nothing between him and Dra. Belo?

"Yeah, absolutely! You know that's why I'm very surprised itong ganitong pangyayari, itong pagkaka-link ko sa kanya happened."

Samantala inamin ni Edward na kakilala rin niya si Al Galang at nakasama na rin niya itong lumabas together with Vicki and Cristalle Henares.