Ano ang comment ni Kris Bernal sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica? 

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie [My Krontrabida Girl] yun ha, may endorsements pa," says Kris.

Nag-rate naman lahat ng shows ng batang aktres tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang bago niyang serye na Hiram Na Puso.

Photo: Noel Orsal

Totoo bang may ipinaayos si Kris Bernal sa kanyang mukha? Ang tingin kasi ng iba ay tila nagbago ang shape ng mukha ng batang aktres

"Wala po! Siguro kasi tumaba ako," mabilis na sagot ni Kris sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Kinumusta naman namin ang pagbabakasyon niya kamakailan sa Amerika nang mag-isa.

"Okay naman, masaya naman."

Nakaya niya na mag-isa?

"Oo naman po.

"Actually first time kong nag-travel mag-isa."

Hindi siya natakot?

"Hindi, kasi nagta-travel naman kami talaga ng family ko."

Pero may mga kasama siya; itong recent trip niya ay siya lang mag-isa ang bumiyahe.

"Opo pero sa Amerika may kasama na ako, may mga kamag-anak ako dun. Pero sa mismong biyahe wala akong kasama, ako lang talaga.

"Hindi naman nakakatakot kasi sanay na din ako... alam mo yung papakita ka lang ng passport, mga ganun, wala namang nakakatakot."

CRYING SCENES. Ano ang pinaghuhugutan niya sa mga crying scenes niya sa Hiram Na Puso, ang bagong afternoon drama series ng GMA kung saan siya ang bida.

"Pinaghuhugutan ko? Wala, pag iyakan kasi, more on relationship with your mother so iniisip ko talaga ang mommy ko kasi mas madali.