Ano ang comment ni Kris Bernal sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica? 

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie [My Krontrabida Girl] yun ha, may endorsements pa," says Kris.

Nag-rate naman lahat ng shows ng batang aktres tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang bago niyang serye na Hiram Na Puso.

Photo: Noel Orsal

"Kasi malalim naman talaga ang relasyon ko sa mommy ko at talagang totoo naman yung pagmamahal ko sa nanay ko, at mahal na mahal ko siya kaya ako nandito."

Ano ang comment ni Kris sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica?

Na kahit ipareha siya sa iba, tulad nina Rocco Nacino (sa Koreana) at Mark Herras (leading man ni Kris sa Time Of My Life at ngayon ay sa Hiram Na Puso) ay tanggap ng masa.

Na si Aljur, nang iba ang kapareha sa Machete, ay hindi raw kinagat ng publiko.

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie yun ha, may endorsements pa," sabi ni Kris.

Ang movie na tinutukoy ni Kris ay ang My Kontrabida Girl nina Aljur at Rhian Ramos.

Samantala, nag-rate naman lahat ng shows ni Kris tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang Hiram Na Puso.

Tila si Kris daw ang mas nakaka-survive nang mabuwag ang loveteam nila ni Aljur.

"Hindi naman siguro sa mas nakaka-survive ako, pero feeling ko suwerte lang talaga ako dahil nagugustuhan nila yung mga ginagampanan kong roles, yung mga shows na binibigay sa akin ng GMA.

"Pero si Aljur naman alam mo naman yun, talagang hot siya ngayon, e."

Isa pang obserbasyon: Si Kris daw ay natutong umarte; si Aljur ay pinipintasan pa rin hanggang ngayon

HONING HER ACTING SKILLS. Nahasa ang acting ni Kris sa Koreana.

"Hindi lang siguro sa Koreana kasi bata pa lang ako gusto ko nang mag-artista e, so kung kailangan kong umiyak, iiyak talaga ako kasi gusto kong mag-artista e, di ba?

"Gusto kong sumikat, ito yung pangarap ko, e.

"At ngayong artista na ako, gagalingan ko siyempre. Pero hindi ko naman sinasabing ang galing-galing ko na.