Ano ang comment ni Kris Bernal sa obserbasyon ng marami na consistent top-raters ang projects niya nang paghiwalayin sila ng dating loveteam niya na si Aljur Abrenica? 

"Ako nga ang nawawala, e. Si Aljur may movie [My Krontrabida Girl] yun ha, may endorsements pa," says Kris.

Nag-rate naman lahat ng shows ng batang aktres tulad ng Koreana at Time Of My Life. Marami ang nagsasabi na tiyak na magre-rate rin ang bago niyang serye na Hiram Na Puso.

Photo: Noel Orsal

"Medyo nangangapa pa din ako dahil... masasabi ko lang siguro na magaling ako pag na-nominate na ako!

"Kahit hindi ako manalo kahit ma-nominate lang... 'Ay, magaling ako kasi na-nominate ako!'"

Sa mga StarStruck girls, isa si Kris sa patuloy na bumobongga ang career.

"Nakakatuwa nga po e, kasi nararamdaman ko talaga yung pagmamahal ng GMA.

"Siguro nararamdaman ko na mahal ako ng network kasi talagang simula nang nabigyan kami ni Aljur ng lead role, naging sunud-sunod na, e.

"Ang naging pahinga ko lang madalas e, three months, four months e, di ba?

"Malaking bagay na yun na nabibigyan ka talaga ng break.

"At tsaka laging... simula nung nag-lead kami, laging bida, kaya Diyos ko, pinagbubutihan ko talaga!

"Kaya ang laki-laki talaga ng pasasalamat ko sa GMA.

"Kasi sa dami naman ng puwedeng [mabigyan] ng ganitong role, e napupunta sa akin.

"At tsaka feeling ko, ewan ko, feeling ko malakas ako kay Lord kasi lagi kong pinagdadasal iyan e, itong career ko.

"Siguro isa ako sa mga favorites ni Lord kaya binibigay niya sa akin," ang masayang pahayag ni Kris.

POSING FOR FHM. Tinanong naman ng PEP si Kris kung kailan siya magpo-pose for FHM.

"Kapag may boobs na ako. Charoz!"

Papayag siya if ever?