Eat Bulaga! mainstay Jose Manalo is being accused by his wife, Annalyn, of having a relationship with another woman and abandoning his family.

Photo: Melo Balingit

Dalawang araw pagkatapos ng matagumpay na concert nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Smart-Araneta Coliseum noong Biyernes, March 2, ay lumabas naman ang interview ng misis ni Jose na si Annalyn Manalo sa The Buzz kahapon, March 4.

Ayon kay Annalyn, may karelasyong ibang babae si Jose at umalis na ang comedian sa kanilang bahay mula pa noong Enero ng taong kasalukuyan.

Sabi pa ng misis ni Jose, alam na niya ang tungkol sa relasyong ito ng asawa pero pinili raw niyang manahimik alang-alang sa kanilang mga anak.

"Sa pagkakaalam ko, at alam na alam na naming lahat, mayroon at marami na rin akong pruweba na totoo nga ito—totoo ngang may babae siya.

"Totoo pong [inabandona kami].

"Umalis siya January 6 this year, pero yung mga bagay na ito, alam ko na last year pa.

"Since January, alam ko na ang nangyayari. Tinitiis ko lang lahat ito para sa mga bata," saad niya.

Nagulat pa raw si Annalyn nang umalis ng kanilang bahay si Jose dahil nagpapadala pa raw ito ng text messages sa kanya noong Enero.

"Actually, may mga text siya sa akin hanggang January 3 na, 'Mommy mahal kita. Mommy I love you.'

"Iyon ang sinasabi niya sa akin kahit alam ko ng mayroong nangyayari.

"Tinitiis ko lahat yun para sa mga anak ko dahil mahal nila ang daddy nila."

Pero ang pinakamasakit, ayon kay Annalyn, ay nang siraan daw siya ni Jose sa mga kaibigan at katrabaho nito.

Dagdag pa niya, "Wala akong mahingan ng tulong. Binan kami sa Broadway.

"Nagpalit siya ng telephone number niya, hindi namin siya ma-contact."

Sa Broadway Centrum ang studio ng noontime show na Eat Bulaga!, kung saan isa sa mainstay si Jose.