Sinabi rin ni Annalyn sa panayam niya sa The Buzz na sinubukan niyang kausapin ang diumano'y karelasyon ni Jose.
"Hindi ko siya inaway," diin niya.
"Dalawang beses ko siyang kinausap na parang awa na niya, layuan na niya ang asawa ko dahil may mga anak ito, lalung-lalo na may maliit kaming anak.
"Sana makonsensiya siya."
Pero sa kabila nito, handa pa raw patawarin ni Annalyn si Jose kung magdesisyon itong bumalik sa kanila.
Sabi pa niya patungkol kay Jose, "Gusto ko sabihin sa 'yo na mahal na mahal kita.
"Ginawa ko 'to dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko para sa mga anak ko.
"Alam mo, kung tutuusin, sabi ko, sana hindi na lang siya naging artista at naging sikat para wala kaming problema na ganito.
"Simpleng pamilya, simpleng buhay na masaya, iyon lang, e," sabi ni Annalyn.
Sinubukan daw ng The Buzz na kunan ng pahayag si Jose, pero tumanggi raw ito.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng balita tungkol kay Jose at sa non-showbiz wife niya.
Noong 2009 ay naging laman ng balita ang mag-asawa dahil sa pagkakasangkot nila sa multi-million jewelry scam.
Dahil sa kasong ito ay nagpahinga muna si Jose sa Eat Bulaga! para raw hindi na madamay ang kanyang trabaho at ang mga kasamahan niya sa show.
Ipinagtanggol pa ni Jose si Annalyn sa akusasyong "swindler" diumano ito.
(CLICK HERE to read related story.)




CALLED OUT
ALL COMMENTS
232 steelwings
231 macmack213
230 magsasaka
229 macmack213
228 Clara Pastor
227 macmack213
226 macmack213
225 GMAsimplyTHEbest
224 steelwings
223 BopolEngot
222 utotngpinoy
221 malaya2007
220 rockabye
219 BopolEngot
218 mikebalangsosa
217 utotngpinoy
216 rockabye
215 BopolEngot
214 steelwings
213 EmilyB19
more comments