[x]

 

Bettina Carlos on her daughter's father: "I prefer not to [talk about it] because he isn't playing any role naman, di ba? And it is okay to talk about it because ang daming tatay ng anak ko in my family and all my friends, all the love that they can give is more than what that single person can give."

Photo: Alquin Flores

"My morality and my preferences as a person is separate from my personality as an actress.

"Magkaiba dapat 'yong prinsipyo mo diyan, 'yong moralidad mo diyan, lalo na ngayon may anak na ako, di ba?"

CHILD'S FATHER. Samantala, proud na pinahayag ni Bettina na siya'y "single parent—single person, two parents, kasi nanay ako, tatay din ako."

Ang sinabing ito ni Bettina ang pinagmulan ng aming pagtataka kung nasaan nga ba ang ama ng kanyang anak.

Sagot naman ni Bettina, "I try to avoid talking about his identity because he doesn't play the role of a father to my daughter anyway.

"But it's also okay to talk about 'the father' because ang daming tumatayong tatay sa anak ko.

"More than me being the mother, ako din ang father.

"My brothers, my dad, all my friends and family, we're all Gummy's father.

"All the love that they can give is more than what that single person can give."

Single parent man siya, hindi raw ito naging mahirap para sa aktres.

Ani Bettina, "Alam mo, kung mahal mo 'yong anak mo, kung mahal mo 'yong ginagawa mo, hindi mo mararamdaman 'yong pagod, 'yong hirap, 'yong puyat.

"Kasi you do it for someone you love. So, you don't mind doing it all."