Bela Padilla on her next moves after the controversial FHM cover: "I want to keep people waiting first, kasi it's not in my mind also. Siyempre, inaasikaso ko 'yong first cover. Ayoko munang mag-isip ng next ko. Pero I'm sure, mag-o-oblige ako sa FHM na mag-pose ulit. Kasi they have been so kind to me."

Photo: Noel Orsal

And how is she entertaining them?

"Uhm... ewan ko. Hindi ko pa iniisip sa ngayon. Hindi pa ako nagre-reply sa kanila! Ha-ha-ha!

"Actually, most of them, nagpaparamdam through text. Hindi ko nga alam how they're getting my number.

"And not just admirers naman. Yong mga old friends ko rin from school, ganyan... they're reconnecting with me now. 

"So it's really nice."

Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang mag-boyfriend?

"No, hindi ko pa po naiisip iyon.

"Kasi malulunglungkot ang FHM nation kapag nag-boyfried ako kaagad!" tumatawa ulit na pagbibiro ni Bela.

FUTURE PROJECTS. So far, ano ang mga nakakasa nang bagong aabangan sa kanya ngayon?

"Kasama po ako sa cast ng Hiram Na Puso. I'm playing Kris Bernal's twin.

"Tapos 'yong My Kontrabida Girl  sa GMA Films, showing na po sa March 14, with Rhian [Ramos] and Aljur [Abrenica]. I play the role as one of Aljur's girlfriends. 

"So very different from the roles that I portrayed before. Komeding-comedy naman ito."

Siyempre, wish din daw niya na magbida siya one of these days.

"Of course," sambit ni Bela.

"I think lahat naman ng artista is looking forward to that—na we get our chance, you know.