The 2012 Cinemalaya entry MNL 143 should have starred Alan Paule (main photo) as the lead actor. However, the film was disqualified from being part of the 8th edition of Cinemalaya. Ed Instrella (inset), the manager of Alan, says that he is not angry with Robbie Tan or the Cinemalaya organizing committee. 

Photo: Mell T. Navarro

"Nakakagulat, e. Sabi ko, 'Dapat may process 'ata 'yan, a?'

"Sabi ko nga kay Alan, 'In Cinemalaya, we encourage indie filmmaking so you take care of these kids, mga bagong graduates, mga bagong pelikula... Inaalalayan mo... in every step of the way, inaalalayan mo sila. Na hindi sila ma-trauma, malaman nila ang process na maganda.'

"Which is why very important ang process o procedure. Dini-discuss.

"'Pag hindi puwede, magde-decide ng alternatibo, bago dumating doon sa tanggalan, o sa palitan ng casting.

"So, kahit na may rules na na-violate, aalalayan mo pa rin. Kasi, mga bata 'yan, e.

"So, nagulat ako na pinalitan na. Sabi ko, 'Baka may ibang factor na involved kaya naging ganoon ka-drastic [ang move].'

"Baka hindi lang yun ang nangyari, baka meron pa.

"Sabi ko, parang hindi ko ma-appreciate na ganoon ka-drastic ang mangyayari—for the reason of casting lang. Yun lang."

Anong hakbang ang personal niyang ginawa nang una niya itong malaman? Tumawag ba siya sa direktor o sa Cinemalaya competition chairperson na si Laurice Guillen?

"Hindi na. Kasi 'pag gumano'n ako, baka ma-complicate pa ang sitwasyon. 

"It's their struggle, e. Sila [ang produksiyon, headed by Emerson] ang mag-struggle niyan with Cinemalaya.

"Basta ang sinabi ko lang, 'Basta ako, I side with the director always.  Naiintindihan ko ang ibig sabihin ng 'Cinemalaya.'

"They [filmmakers/scriptwriters] have the freedom to write their own material. Na walang restrictions from the marketing side. Kung sino ang gusto nilang casting. 

"So, I'm always on the side of director pagdating sa mga ganyang indie projects. Kung ano ang gusto ng direktor, doon ako. 

"Yun ang aking statement."