"Kasi ang isang organisasyon 'tulad ng Cinemalaya should always go to a retreat and reflect on what they have done, and how they can improve it.
"'Pag may ganyang nasasagasaang mga bagong filmmakers, may nagawang baka hindi karapat-dapat o dapat ayusin.
"So ang point ko is for Cinemalaya to review kung ano ang mga paniniwala nila. Baka may kailangang balikan o i-improve.
"Kasi, naniniwala ako na kung tama lahat, walang magiging ganyang problema.
"Kung dinaan sa proseso, walang ganyang magiging problema.
"Kung nararamdaman ng filmmaker na inaalagaan siya, walang magiging ganyang problema, na nirespeto yung rights nila, walang magiging usapan na ganyan."
Hindi ba siya na-offend na alaga nga niya ang "first and only choice" ng director for the lead role, and yet, ang sinasabi ng Cinemalaya critics ay hindi naman daw dumaan sa proseso ang nasabing disqualification?
"Unang-una, hindi ko kasi alam kung ano ang pinanggagalingan nina Robbie Tan, so I cannot feel I was offended. But I sympathize with the director."
NO CHEMISTRY BETWEEN ALAN AND JOY? Basically, ang sinasabi ng dating Seiko Films producer na si Robbie Tan ay "wrong casting" at "walang chemistry" sina Alan Paule at Joy Viado upang magsama sa MNL 143.
Ayon sa sulat ng Cinemalaya, ang basis nila para sa pagpili ng lead actors ay "competence, suitability to the role, and greater audience acceptability."
Katuwiran naman ni Ed, "Kasi, noong si Alan pa lang ang casting, parang walang problema, e.
"Noong unang-unang casting, si Alan pa lang, e. Nung na-approve 'yan [ang script], alam nilang si Alan, e.
"Ang tagal na, e. Three months ago, si Alan na ang nakaharap sa kanila."
Nakaharap, meaning?
"Alam na nina Robbie Tan. Alam na nilang si Alan, at least.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
3 endot
2 endot
1 MissHugoBacungan