"Sana po maging dahan-dahan tayo sa pagtuturo, judge, at pagko-condemn dahil hindi pa po talaga napapatunayan na ang mga anak ko po talaga ang gumawa ng pagpatay kay Ramgen," says Genelyn Magsaysay (main photo).

Photo: Danny Pata / File photo

Mula sa "blue notice list" ng Interpol (International Criminal Police Organization) ay iniakyat na sa "red notice list" si Ramona "Mara" Bautista.

Ito ay dahil sa pagiging suspek niya sa pagpaslang sa kanyang kapatid na si Ramgen Revilla noong Oktubre 28, 2011.

Ang ibig sabihin ng "red notice list" ay may warrant of arrest na kay Mara.

Hindi tiyak ang eksaktong lokasyon ni Mara ngayon, ngunit may report na nakatira sila ng asawa niyang si Engin Tuna Bülbüloglu, isang Turkish national, sa Cyprus.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaugnay ng pagkakasama ni Ramona sa wanted list ng Interpol, live na nagpainterbyu sa The Buzz noong Linggo, March 4, ang kanyang ina na si Genelyn Magsaysay.

Ang tatlong hosts ng programa na sina Boy Abunda, Charlene Gonzalez, at Toni Gonzaga ang nag-interview kay Genelyn.

WANTED. Ano ang pakiramdam niya bilang ina na ang kanyang anak ay pinaghahanap na at nasa wanted list na ng Interpol?

Sagot ni Genelyn, "Napakasakit po para sa akin dahil hindi po binigyan ng pagkakataon si Ramona.

"Unang-una po, gusto ko po sanang malaman ng buong bayan na hindi po dapat nasa Interpol si Ramona ngayon dahil hindi po siya dumaan sa tamang proseso.

"Yun pong warrant of arrest na kinuha po ng counsel ni Ms. Janelle Manahan na dinala po sa Interpol ay hindi po dapat included si Maria Ramona dahil nag-ano po kami sa husgado ng judicial determination of probable cause.

"Merong 10 days po ang judge para mapag-aralan ang kasong ito at meron din po kaming petition for review sa DOJ [Department of Justice] na ipinaalam naman po sa mga counsel ni Ms. Janelle Manahan."

Si Janelle ang kasintahan ni Ramgen na kasama nito noong mapaslang ang aktor.

Ang tanong naman ni Boy, kung meron nang petition for review, bakit napasama ang pangalan ni Ramona sa warrant of arrest?