"Sa akin kasi, hintayin muna nating matapos yung trabaho. Kasi ang chemistry naman, napapag-aralan 'yan, e. Kaya nga may director, may assistant director, may storyline, may script, may background ng mga characters. Kumbaga, i-process muna natin bago natin husgahan na walang chemistry," says Alan Paule about the disqualification of MNL 143 as one of the entries in Cinemalaya this year due to his and Joy Viado's "casting."

Photo: Noel Orsal

"Ganoon naman kami, e. 'Pag may sked, tatawagan lang nila ako," sabi ng aktor.

Hindi ba unfair para sa kanya yun na siya ang bida ng pelikula, pero siya ang huling nakaalam?

"Hindi ko alam na tinuloy nila... Kasi noong una, may naririnig ako na kapag hindi na-approve [ang casting], idi-disqualify nga daw.

"Pero karapatan nila pareho yun, e, ng direktor at ng Cinemalaya.

"Sabi ko, 'Sige, basta ako, okey lang ako. Trabaho ko ito, e, craft ko ito, so pagbubutihan ko. Kung kailangan n'yo ako, e, di sige, gagawin ko ang trabaho ko.' Ganoon.

"So, nakapag-shoot... I think tinext ko si Emerson o tinawagan niya ako, 'Ano na? Makikibalita ako!'

"'Wala pa, hindi pa lumalabas.' Yun ang sabi."

Pero alam na niyang may gulo na noong panahong yun?

"Hindi ko pa alam," sabi ni Alan.

"Ang alam ko, nagawa yung shoot, and then, I think after two days, nagkausap kami.

"Wala pa raw sagot ang Cinemalaya sa sinabmit nila na test shots."

Requirement ba ng Cinemalaya ang mag-create ang film entries ng test shots?

"Hindi naman. Kaya lang, I think, gusto nilang makita.

"Di ko lang sure kung sinabmit pa nila o hindi na nakarating.

"After no'n, hindi na kami nagkausap."