"Sa akin kasi, hintayin muna nating matapos yung trabaho. Kasi ang chemistry naman, napapag-aralan 'yan, e. Kaya nga may director, may assistant director, may storyline, may script, may background ng mga characters. Kumbaga, i-process muna natin bago natin husgahan na walang chemistry," says Alan Paule about the disqualification of MNL 143 as one of the entries in Cinemalaya this year due to his and Joy Viado's "casting."

Photo: Noel Orsal

"After no'n, hindi na kami nagkausap."

Ano ang alam niya sa sinasabing "problema" noong mga araw na yun?

"May ganoong usapan no'ng una [disqualification dahil sa casting]. Sabi ko, walang problema sa akin, e...

"Sabi nga nila, hindi pa tapos ang diskusyon at magmi-meeting pa sila.

"Sabi ko, 'Sige, gawin natin wala namang problema sa akin.'

"May ganoon, may process. Pero pagdating sa loob [ng CCP meetings], hindi ko na alam.

"Hindi naman nila sinasabi sa akin kung ano ang dahilan."

Pag-amin ni Alan, noong dumating ang letter of disqualification sa kanilang producer at direktor ay walang pormal na impormasyon sa kanya. Pero walang anuman daw ito sa kanya.

"Walang nag-inform. Nalaman ko lang sa Internet!" tawa ni Alan.

CHEMISTRY. Sa puntong ito ng panayam namin sa aktor ay wala pa itong kaalam-alam na "nasa lawyers na" ng grupo nina Emerson ang mga dokumento, o ang kontratang pinirmahan nila sa  Cinemalaya.

"Ha? Meron na?" nagulat na reaksiyon ni Alan.

"Kasi ang pagkakaalam ko nga, naaprubahan na sila, yung script.

"Ang nagkakaroon lang ng problema, yung casting.

"Noong una nga raw na meeting, okey ako sa kanila.

"Noong pangalawang meting na, hindi na ako okey.