Alan Paule on his "lack of chemistry" with Joy Viado: "Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na. Mas magandang walang chemistry pagdating sa set. Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, 'A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.' Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking. Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, 'Gawin mo ulit 'yun!' So, magwo-work!"

Photo: Noel Orsal

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa aktor na si Alan Paule, tinanong namin siya kung sa palagay niya ay masyadong naging "drastic" ang pagkaka-disqualify ng MNL 143 sa Cinemalaya ngayong taon? Naging biktima ba siya sa isyung ito?

"In a way siguro," aniya.

"Pero sila [Cinemalaya] kasi ang nagde-decide, e.

"Sa side naman ng direktor, tama rin naman ang pinaglalaban nila.

"Kaya nga ang tawag natin ay Cinemalaya—malayang pamamahayag."

Sa social networks, ilang pagbabatikos ang pinu-post ng mga kritiko ng eight-year-old popular indie filmfest sa bansa.

Ang Cinemalaya raw ay dapat nang tawaging "Cine-(Hindi) Malaya," "Sineng Di Na Malaya," at iba pa.

Bilang aktor sa sinasabing "casting" na ito, pakiramdam ba ni Alan ay hindi na nga "malaya" ang Cinemalaya?

"In a way," tugon niya.

"Pero kasi, dapat balanse rin, e. Kumbaga, yung mga bagong filmmakers, dapat inaalalayan sila ng Cinemalaya.

"Kasi minsan, hindi natin maiaalis na yung ibang nasasagasaan na ego ng filmmakers.

"Hindi lang naman sa Cinemalaya, e, pati sa iba pang independent festival bodies natin, o film companies, maraming gano'ng issue.

"Kaya lang, ito, kaya nga Cinemalaya, sana lang ay balansehin nila."

Feeling ba niya ay hindi balanse ang sistema ng Cinemalaya?