Alan Paule on his "lack of chemistry" with Joy Viado: "Ang chemistry kasi, nangyayari sa set na. Mas magandang walang chemistry pagdating sa set. Kasi, mas makakapag-eksperimento ang artista, 'A, ganito pala siya. A, ganoon pala siya.' Naiiba ang gusto mong atake, magiging fresh yung reaction. Yung blocking. Pati yung director, may iba palang magandang na-discover sa actor, 'Gawin mo ulit 'yun!' So, magwo-work!"

Photo: Noel Orsal

"In time siguro, matatapos rin ang proyekto nila, and in time, baka makapag-usap na rin sila nang maayos," sagot ni Alan.

PERSONALAN? May usap-usapan na may pinapaboran daw na ibang mga artista ang Cinemalaya. Lumutang ang mga pangalan nina Victor Neri at Francine Prieto na diumano'y mga gustong ipalit kina Alan at Joy upang gumanap sa MNL 143.

May personalan nga kaya sa palagay ni Alan?

"Wala namang personalan," tugon niya.

"Yun yata yung gusto ni Tito Robbie, na bigyan naman daw ng chance yung iba.

"Alam ko yun. Nasabi sa akin yun.

"Pero ang point nga ng direktor, e, ginawa daw niya ang script para sa akin. Yun ang point nila."

Na ayaw tanggapin ng Cinemalaya?

"Oo," pagsang-ayon niya.

"Kasi, sabi nung direktor, 'Kung babaguhin mo ang isinulat ko para sa isang tao, huwag naman.'"

So, alam niyang si Victor Neri ang nais ipalit sa kanya?

"Naririnig ko," sabi ni Alan.

"Sa akin, wala namang problema. Kaso, yun nga ang gusto ng direktor. So, doon tayo sa side ng director.

"Kasi, hindi ko naman alam ang usapan ng mga meetings nila doon, e."

Inamin naman ni Allan na pangalan pa lang niya ang nasa listahan sa casting na unang naisumite sa Cinemalaya, at wala pa ang pangalan ni Joy Viado.